Pinaamin sa kasal nila ni Ion…"WALA KAYONG PAKIALAM" — VICE
- BULGAR
- Sep 8, 2021
- 3 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | September 08, 2021

Nagsalita na si Vice Ganda sa kumakalat na balitang nagpakasal na sila ng boyfriend niyang si Ion Perez sa super laugh trip na latest vlog ng komedyanteng si Negi sa kanyang YouTube channel.
Sumalang si Vice sa lie detector challenge ni Negi sa host ng It's Showtime kasama ang kaibigan nila at komedyante ring si Petite.
Tinanong ni Negi si Vice kung ikinasal na siya kay Ion.
"Wala kayong pakialam. Hahaha!" pabirong sagot ni Vice.
Muli siyang tinanong ni Negi at sumagot naman si Vice ng "Hindi."
At base sa lie detector machine, nagsasabi raw nang totoo si Vice.
Aliw na aliw ang mga netizens sa super laugh trip na vlog ni Negi. Nakakatuwa naman kasi talaga ang mga questions nina Negi at Petite sa It's Showtime host.
Bagama't meron ding mga tanong na seryoso, gaya na lang kung type ba ni Vice na magkaroon ng anak.
"Ang saya-saya ng buhay mo ngayon, kumpleto. May balak ka ba na magka-baby?" usisa ni Petite.
"Oo," mabilis na tugon ni Vice.
Hirit na tanong ni Negi, "Mag-adopt?"
"Hindi," sabay iling ni Vice.
At sabi pa ni Vice, dalawang anak ang gusto niya.
"Pero puwede rin namang mag-adopt kung hindi mag-work. Gusto kong mag-baby," diin pa ng Unkabogable Star.
Pero nakuryente si Vice sa lie detector machine na ibig sabihin ay 'di true ang sinabi niya na gusto niyang magka-baby. Kaya, 'di napigilang mag-react ni Vice sa machine.
"Ayyy! Bakit? Nangingialam ka pa sa akin, eh, plano ko naman talaga 'yun!" tili niya sa machine.
Ang isa pang tanong kay Vice ng mga kaibigan niyang komedyante ay kung naranasan na ba niya ang kumuha ng bagay na hindi sa kanya.
"Bakla, nagtatrabaho ako para kumita ako. Para 'pag may kita na ako, mabili ko lahat ng gusto ko. Para hindi ako mahirapan ma-avail ko, matugunan ko lahat ng pangangailangan ko."
Kapagkuwan, nag-iba rin ang sagot ni Vice, "Pero oo, nang-uumit pa rin ako ng hindi sa akin. Hahaha! Gaya ng bath robes sa hotel. Ano pa ba'ng kinukuha ko? Toiletries. Saka sa bahay ni Karla (Estrada), nangunguha ako ng mga gamit niya na hindi niya alam."
At pati raw sa kasamahan niyang host sa It's Showtime na si Anne Curtis ay "gumegetlak" siya ng gamit.
"Si Anne Curtis, 'yung mga gamit niya, kinukuha ko. Tapos, makikita na lang niya, nasa sa akin na. Hahaha!" pag-amin ni Vice.
Naloloka na lang daw si Anne kapag nalaman niya na may kinuha si Vice na gamit niya.
"Oo, wala na siyang magagawa. So, magnanakaw po ako. Hahahaha!"
Honest din si Vice sa kanyang sagot na "hindi" when asked kung nagpa-massage na siya na may "happy ending."
"Hindi," ngiti niya. "Hindi ko naranasan 'yan. Hindi talaga."
Another question was kung nagawa na ba niyang makapag-cheat kay Ion.
"Ay, no," pa-sweet na sagot ni Vice.
Kahit daw makipagharutan sa ibang lalaki sa social media ay 'di ginawa ni Vice. At kahit tumingin-tingin lang daw sa ibang lalaki ay 'di niya ginawa.
"Na-experience mo na ba ang tinatawag na 'serbis,'" tanong ni Negi kay Vice.
"Ay, hindi," bulalas ni Vice. "Alam ng mga (kaibigan niya) bakla 'yan."
Pero nahalatang pinigilan ni Vice ang mag-react nang may lumabas na kuryente sa lie detector machine, kaya wala siyang nagawa kundi aminin ang totoo.
"Siguro nu'ng mga ano ako, 19 (years old). Hahaha!"
Hirit na tanong pa ni Negi kay Vice ay kung nagpapalit na raw ba ng sex organ ang Unkabogable Star.
"Nagpalit na po ako ng six organs, seven na po siya. Hahaha!"
But seriously, sinabi ni Vice na hindi raw.








Comments