Piktyur nila ni Marco, itinabi sa ex at kay Sanya…

SHARON KAY GABBY: AKALA MO IKAW LANG MAY BATANG PARTNER, HA?!
ni Nitz Miralles - @Bida | March 11, 2021

Nai-promote ni Sharon Cuneta ang tambalan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez sa First Yaya ng GMA-7 nang i-post nito ang photo ng dalawa sa kanyang Instagram account. Kahit walang binanggit na title, alam na kung ano ang project nina Gabby at Sanya na premiere na nga sa Monday, March 15.
Katabi ng photo nina Gabby at Sanya ang larawan naman nina Sharon at Marco Gumabao na magkapareha naman sa Viva Films movie na Revirginized.
Caption ni Sharon sa ipinost niyang picture nila ni Marco at picture nina Gabby at Sanya: “And you, Kitina’s Papi! 'Kala mo ikaw lang may batang partner, ha?! Game ka na ba?! @concepciongabby Ako walang kaproble-problema. You na lang hinihintay ng bansa.”
Ang itinatanong ni Sharon kung game na si Gabby ay ang naudlot na reunion movie nila. Hindi matuluy-tuloy, kaya lalong gusto ng kanilang mga fans na matuloy ang muling pagsasama nila sa pelikula.
Batay sa convo ni Sharon with her fans, ang mga fans yata nila ni Gabby ang unang nagtabi ng larawan nina Sharon at Gabby with their respective partners. Nakarating kay Sharon ‘yun at game na pinagtabi rin ang larawan nila ni Gabby kasama ang kani-kanyang kapareha sa latest projects nila.





Comments