Piktyur kumalat, buking… JULIA AT GERALD, MAGKASAMANG PINAPANOOD SI JOSHUA SA ASAP
- BULGAR

- Feb 24, 2021
- 2 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | February 24, 2021

Nagiging mahusay nang dancer si Joshua Garcia.
Aba, sa A.S.A.P. last Sunday ay nakipagsabayan na siya sa dance floor with Enchong Dee, Kyle Echarri at sa Sample King na si Jhong Hilario.
Mahabang exposure ang ibinigay ng cameraman sa hataw na pagsasayaw ni Joshua. In the mood ang young actor while dancing. Napaka-energetic niya at sa galaw ng kanyang katawan, masasabi ngang 'ipinaubaya' na niya si Julia Barretto kay Gerald Anderson.
May post naman ang isang netizen na may handle name na @JoshLia_baba10 na larawan nina Julia at Gerald na magkatabi at pinanonood daw ang sayaw ni Joshua. Kuha raw ang larawan sa kitchen ng resort ni Gerald sa Zambales.
Napansin kasi ng netizen na naka-apron si Gerald at siguro raw ay nagluluto that time while watching A.S.A.P. with Julia.
Kahit wala pang inaamin sina Julia at Gerald sa kanilang relasyon, idinadaan na lang nila sa mga larawang lumabas these past few days na "sila na nga".
Heto ang ilan sa mga komento ng mga netizens.
“Naka-apron ba si Gerald? Baka nagluluto in the middle of the viewing.”
“Lahat na para papansin ng dalawa to validate their relationship.”
May nagsasabi namang sa movie raw kuha ang picture na ipinost ng JoshLia.
“Sa movie yata nila ito since ito lang ang oncam silang together. I guess.”
“Huh?? Pic lang nila 'yan na hiwalay, not pic of them actually watching the vid. Kaya nga 'yan oh, may list of viewers. Du'n nalalaman kung sino nag-view. Walang data mag-ig?”
“Jusko, nag-iingay na lang ang mga 'to. May mga projects kasi. In fairness naman sa kanila, magaling mag-promo, ha?”
“Eh, kailangan nilang galingan since walang company/mgmt. ang gusto silang i-promote. Lol.”
“Stalker pala ni Joshua itong dalawang ito.”
“Julia is checking this ig account every now and then. When she saw the clip, she mentioned it to Gerald, then charaaaan! Tingin naman si lolo mo, haha!”
“Ito pala ang hobby ng dalawa, sumilip sa mga fan accounts ng mga ex. Happy ba talaga sila, parang sa mga actions nila, parang hindi at may regrets. Nanahimik na si Joshua, nagpaubaya na nga dati pa. Focus na siya sa career.”
“Uy, kung in love na siya kay Gerald d'yan like what you said, tapos ang dami pang pics ni Gerald with Bea na happy looking in events (ex. is Johnny M. b-day) around that time... what are you saying Julia is?”
“Na kay Joshua ang huling halakhak. Ang galawan ng dalawa, parang ewan. 'Wag muna mag-girlfriend, Joshua, at malayo pa ang mararating mo. Hayaan mo ang dalawang 'yan at palubog na ang career kaya todo-papansin.”
“Kung 'di si Bea, si Joshua naman ini-stalk nitong si Hulya… kaya 'to nadyi-jinx, eh.”
Nahuli na rin kasi ng isang faney sa fandom page ng Dom-Bea na nasa group ang pangalan ni Julia.





Comments