Pictures ng mister, binura na raw sa IG… JASON, NAGSALITA NA SA HIWALAYAN NILA NI MOIRA

ni Janiz Navida - @Showbiz Special | April 20, 2022

Nitong mga nakaraang araw, nabulabog ang mga fans ni Moira matapos mapansing burado ang mga pictures ng mister ng singer na si Jason Hernandez sa kanyang Instagram account.
O, 'di ba, 'pag may mga ganyang ganap, iisa agad ang conclusion ng mga Marites na netizens — HIWALAY NA!
Mabuti na lang at 'di na pinatagal ng mister ni Moira ang haka-haka at gumugulo sa isip ng mga Marites at agad tinuldukan ang issue by posting a status sa Twitter na ganito ang nilalaman:
"1. We're still married
"2. Hindi nangaliwa si Moira
"3. We both support Ms. Leni
"4. Walang nagnakawan ng pera
"5. God is good"
Feeling naman ng ilang netizens, baka promo lang daw at nag-iingay lang ang mag-asawa dahil may bagong kantang ginawa si Moira na inspired sa Kakampink presidentiable na si VP Leni Robredo titled Ipanalo Natin 'To.
Sinorpresa ni Moira ang mga dumalo sa grand rally ni VP Leni sa Dagupan, Pangasinan kamakailan nang awitin niya ang nasabing kanta.
Ayon kay Moira, nu'ng una, ayaw sana niyang makisawsaw sa isyu ng pulitika. Pero nang ipakilala siya ng singer-songwriter na si Lolito Go kay VP Leni, nag-iba ang pananaw niya.
Nag-research siya about VP Leni at sa mga proyekto at programang nagawa nito para sa bansa at du'n siya napabilib nang husto.
At mas tumibay pa ang kanyang paghanga kay Robredo nang makasama siya sa grand rally nito sa Zamboanga.
Aniya nang matapos ang speech ni VP Leni, doon niya nasiguro na tama ang sinusuportahan niyang kandidato.
Pag-uwi niya galing Zamboanga, sinimulan niyang isulat ang Ipanalo Natin 'To.
Umaasa si Moira na magsisilbing inspirasyon ang kanta at paghuhugutan ng lakas ng mga tao para ipaglaban ang kinabukasan ng bansa sa pamamagitan ng pagboto nang tama.





Comments