top of page
Search
  • BULGAR

Picture, first time inilabas ni Jolens in public… BAMBOO, INAYAWAN NG FANS NANG MALANTAD ANG MISIS

ni Julie Bonifacio @Winner | February 24, 2024




Proud wifey ang Magandang Buhay host na si Jolina Magdangal sa hubby niyang si Mark Escueta dahil sa success ng reunion concert ng Rivermaya.


Sa kanyang Instagram, ipinost niya ang ilang larawan ng mga ganap sa simpleng get-together dinner ng bandang Rivermaya na binubuo nina Rico Blanco, Nathan Azarcon, Mark and Bamboo Mañalac na mas kilala as Bamboo.


Kasama ni Mark si Momshie Jolens. Nandu’n din si Maris Racal na girlfriend ni Rico, habang bitbit naman ni Bamboo ang kanyang misis.


Caption ni Momshie Jolens sa kanyang Instagram post, “Sa thanksgiving get-together kagabi, isang dinner na simple, intimate, at sobraaaaang kwelang "remembering when they were young" kwentuhan ang masasabi kong nadagdagan na naman sa surreal moments ko at fangirling.


“Thank you talaga @livenationph Sir Bojie, Ms. Rhiza and Ms. Mals for making everything happen at patuloy na pag-alaga sa friendship and brotherhood nina Mark, Rico, Nathan, at Bamboo.


“Ps: Rollercoaster ang feeling kagabi... in a very, very happy and grateful way. Mula sa nakakatawa nilang kwento nu'ng 90s hanggang sa mga laman ng puso nila sa nangyaring concert. Punong-puno ang puso ko ng saya para sa asawa ko.”


Sa naunang IG (Instagram) post ni Momshie Jolens, ipinost niya ang ilang “behind the scenes” video bago ang reunion concert ng Rivermaya.


At sa caption ay sinabi ni Momshie Jolens na natupad ang ipinagde-daydream nila ni Mark na kapag nagkaanak sila, magkakasama silang mag-iina na nagtsi-cheer para sa kanyang mister na nagpe-perform on stage. 


Samantala, dahil sa IG post ni Momshie Jolens, nailantad sa publiko sa unang pagkakataon ang mukha ng misis ni Bamboo.


Napaka-private kasi nitong si Bamboo pagdating sa kanyang pamilya. At never din namang umeksena ang misis ni Bamboo sa mga ganap ng singer. 


Dahil sa IG post ni Momshie Jolens, maraming fans ni Bamboo ang nalungkot. 


'Kalokah ang mga netizens sa pag-hopia na binata pa si Bamboo, hah? Well in fact, may dalawang anak na si Bamboo sa kanyang wifey.


“'Yoko na may katabi si Bamboo.”


“Hahaha! True, selos ako.” 


“Rare photo ni Bamboo at wifey niya.” 


“After so many years, finally, nakita ko rin wifey ni Bamboo.” 


“Grabe talaga this reunion kasi they'll be going to US and Canada.”


Hindi rin nakalagpas sa mga mata ng mga netizens sina Maris at Rico na magka-holding hands pa.


“Happy to see Maris being with Rico. Ang cool and cute nilang tingnan. Imagine how Maris relate sa mga kuwentuhan ng 90's.”


“Yes. Si Maris naman, wide reader and articulate, puwede siya kahit anong age bracket din.” 

“Grabe 'yung Rico Blanco, bumabata…”


Iba talaga sila!


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page