PIA, HUMINGI NG DASAL PARA SA AWAY NG MADIR AT UTOL
- BULGAR

- Nov 4, 2020
- 2 min read
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | November 4, 2020

“This is a very hurtful time for our family. My sister, especially, had a very traumatic experience and I humbly ask everyone to be kind to her. We are trying to resolve our family issues privately and I ask for your support by not trying to put the blame on anyone and stop victim shaming,” ito ang pakiusap ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa publiko tungkol sa bangayang nangyayari ngayon sa kapatid niyang si Sarah Wurtzbach-Manze at inang si Gng. Cheryl Alonso-Tyndall.
Ilang araw na kasing pinagpipiyestahan sa social media ang gusot ng mag-inang Sarah at Cheryl na sinimulan ng una sa pagbubulgar na na-gang rape siya sa edad na 10. At base sa intindi namin ay dumaranas ng anxiety si Sarah at gustong ilabas ang lahat ng pinanggagalingan nito.
Pero hindi sukat-akalain ng mga nakabasa na damay ang ina at itinurong dahilan kung bakit nakararamdaman ng ganito si Sarah.
Inilabas namin dito sa Bulgar kahapon ang sagot ni Gng. Cheryl sa mga paratang ng anak na wala siyang kinalaman sa mga dinaranas nito dahil naging mabuti siyang ina para sa dalawang anak na sina Pia at Sarah.
Nitong Lunes nang gabi ay hindi na kinaya pa ng dating beauty queen ang mga nababasang komento tungkol sa kapatid at ina sa social media kaya nakiusap siya na tigilan na ang victim shaming.
Nag-post din si Pia ng larawan nila nina Sarah, Cheryl at dalawang pamangkin na sina Lara at Logan.
Hiling niya sa publiko, huwag husgahan ang kapatid dahil may pinagdaraanan ito.
“Please be mindful on your posts and comments to Sarah, mabigat ang pinagdaraanan niya ngayon. Bilang anak at kapatid, napakasakit sa akin na makitang nagkakaganito ang mga taong mahal ko. Hiling ko na lang po sa inyo na isama n'yo kami sa inyong mga dasal at sana, mahanap na rin ng aming pamilya ang nararapat na healing. Sa panahon na ito, magpakita po tayo ng pagmamalasakit at pagmamahal sa isa't isa. Maraming salamat po.”
Nagpakita ng suporta ang mga kapwa beauty queens ni Pia. Si Thia Thomalia (Miss Eco International 2018-became the first Asian to win the crown) ay nag-post ng heart emoji.
"Stay Strong P," sabi naman ni Miss Binibining Pilipinas 2019 Gazini Ganados.
“Prayers for your family, Pia,” ang hirit ni Miss Earth Philippines 2015 Angelia Ong.
“Thinking of you and your family,” pahayag ni Miss Universe Canada 2016 Siera Bearchell.
“God bless you,” ayon naman kay Miss Universe 2011 Leila Lopes ng Angola.
At si Miss International 2013/Mutya ng Pilipinas 2011 Bea Santiago ay nagsabing, “We got you P! We love and care for u and your family.”
Maraming kaibigan sa showbiz at non-showbiz din ang umalalay kay Pia at isasama raw sila sa kanilang mga panalangin.





Comments