Pia at Ruffa, proud na proud pa rin… BEA, TANGGAP NA PANG-TOP 5 LANG SA MISS U
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | December 14, 2021

Ang daming tumutok sa 70th Miss Universe pageant na ginanap kahapon sa Eilat, Israel base sa mga tweets and posts na nakita namin. Bukod nga kasi sa balitang malakas ang pambato ng 'Pinas na si Beatrice Luigi Gomez, isa sa mga judges ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.
Bagama't nabigo si Bea (nickname ni Beatrice) na maiuwi ang korona, hindi pa rin ito nakabawas sa respeto at paghanga sa kanya ng ating mga kababayan kabilang na ang mga celebrities na tumutok kahapon sa pageant.
Umabot sa Top 5 ang ating kinatawan at kitang-kita naman that she did her very best.
Tulad ng mga nakaraang taon, isa si Vice Ganda sa mga tumutok sa Miss U kahapon at talagang panay ang tweet niya ng kaganapan. Masayang-masaya siya nang pumasok sa Top 5 si Bea at isa rin sa mga umasang masusungkit nito ang korona.
Nang mabigo na nga si Bea na makapasok sa Top 3, pinuri pa rin niya ang beauty queen at nagpasalamat dito.
“All good!!! Well fought. Congratulations and thank you Beatrice Luigi Gomez!!!!” tweet ni Vice Ganda.
Panay din ang tweet ni former Miss World 2nd Princess Ruffa Gutierrez at na-shocked nang hindi na nakapasok sa Top 3 si Bea.
“Okay I’m having breakfast now. Hayyyy naku. Shocked that Colombia and Philippines didn’t make it. Sad,” tweet ni Ruffa.
“Nevertheless we are proud of you #BeatriceLuigiGomez You represented our country with pride!! Congratulations and keep your chin up!!” tweet pa ulit ni Ruffa.
Si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ay nagpahayag din ng kanyang pagka-proud sa ating kandidata.
“Yakap mga kababayan, 2018 tayo last nag-Top 5. We should be proud of Bea!” tweet ni Pia.
Ipinagtanggol naman ni Bianca Gonzalez si Bea sa hindi nito pagpasok sa Top 3.
“Tbh Bea got the toughest question sa Top 5. She would have nailed answering body shaming, women leaders, social media, but she still DELIVERED!!!! Nakaka-proud maging Pilipina!!!!” tweet ni Bianca.
Samantala, nagpahatid naman ng kanyang pasasalamat si Bea sa kanyang mga supporters matapos ang coronation night.
“Thanks to everyone who trusted me! The Philippines returned to the Top 5!” tweet ni Bea after the pageant.
Nag-post din siya ng kanyang pagbati kay Miss India Harnaaz Sandhu na siyang nag-uwi ng Miss Universe 2021 crown.
“Congrats, Miss India. The universe has just won a truly beautiful and sweet queen!” tweet ni Beatrice.





Comments