Photo ni Mar, in-edit daw, nagmukhang Obama…KORINA SA NETIZEN: BOBO AT IDIOT!
- BULGAR

- Sep 4, 2020
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 4, 2020

Nagalit si Korina Sanchez at nakapagsalita nang hindi maganda sa isang netizen na binash ang photo ng asawang si Mar Roxas kung saan kasama nito ang anak nilang kambal na sina Pepe at Pilar.
Ayon sa basher, in-edit daw ni Korina ang photo ng kanyang mister na former politician para magmukhang guwapo, pero ang kinalabasan ay kamukha ni President Barrack Obama at pinagtawanan pa nito ang picture.
“Grabeee naman maka-edit, nagmukha na siya ni Pres. Obama, hahaha,” comment ng netizen sa IG post ni Korina.
Lumabas ang pagkaprangka ng Rated K host at sinagot ang basher. Hindi rin niya napigilang magsalita nang hindi maganda. Tinawag niyang ‘bobo’ at ‘idiot’ ang basher.
Sey ni Koring, “What the hell are you talking about? Bobo mo naman mag-troll! Get lost idiot!”
Ang taray!








Comments