top of page
Search

by Info @News | January 23, 2026



Bato Dela Rosa at Sonny Trillanes - FB

Photo: Mar Roxas - FB



“'WAG NIYO NA AKO GAMITIN SA AGENDA NIYO”


Pinabulaanan ni dating Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas ang kumakalat na social media post kung saan tampok ang pekeng quote ng umano'y pagtutol niya sa posibleng pagbabalik ng mga Duterte sa kapangyarihan.


“To whoever created and is spreading this FAKE post … pwede ba …. Hindi ko alam kung ano ang motibo ninyo pero huwag niyo na ako gamitin sa mga agenda ninyo,” paglilinaw ni Roxas.


“Masaya ako sa pribado kong buhay,” dagdag pa nito.


 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 4, 2020




Nagalit si Korina Sanchez at nakapagsalita nang hindi maganda sa isang netizen na binash ang photo ng asawang si Mar Roxas kung saan kasama nito ang anak nilang kambal na sina Pepe at Pilar.


Ayon sa basher, in-edit daw ni Korina ang photo ng kanyang mister na former politician para magmukhang guwapo, pero ang kinalabasan ay kamukha ni President Barrack Obama at pinagtawanan pa nito ang picture.


“Grabeee naman maka-edit, nagmukha na siya ni Pres. Obama, hahaha,” comment ng netizen sa IG post ni Korina.


Lumabas ang pagkaprangka ng Rated K host at sinagot ang basher. Hindi rin niya napigilang magsalita nang hindi maganda. Tinawag niyang ‘bobo’ at ‘idiot’ ang basher.


Sey ni Koring, “What the hell are you talking about? Bobo mo naman mag-troll! Get lost idiot!”


Ang taray!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page