top of page

PhilHealth, pinalawig 2021 Accreditation ng Healthcare Facilities

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 3, 2022
  • 1 min read

ni Fely Ng - @Bulgarific | January 03, 2022





Hello, Bulgarians! Inanunsiyo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na pinalawig nito ang validity ng lahat ng kasalukuyang accredited health facilities (HFs) hanggang sa Enero 31, 2022.


Sa Advisory No. 2021-049 nitong nilagdaan ni PhilHealth President and CEO Atty. Dante A. Gierran, ginawa ng state agency ang extension sa kondisyong “…sila (HFs) ay nagsumite ng kanilang kompletong aplikasyon para sa CY 2022 accreditation sa PhilHealth Regional Office na nakakasakop sa kanila hanggang Enero 31, 2022.”


Pinaalalahanan din ng hepe ng PhilHealth na ang mga aplikasyong natanggap para sa tuluy-tuloy o renewal ng accreditation na lampas sa Enero 31, 2022 ay maaaring magresulta sa gap ng accreditation ng pasilidad.


Noong Nobyembre 2021, inilabas ng PhilHealth ang Advisory 2021-046 na nagsasabing nagsimula na itong tumanggap ng mga aplikasyon para sa tuluy-tuloy o renewal ng accreditation hanggang Disyembre 31, 2021. Gayunman, upang mabigyan ng sapat na oras ang mga pasilidad at upang matiyak ang tuluy-tuloy na pagproseso ng kanilang claim, ang validity ng accreditation ay pinalawig.


Ang patuloy na akreditasyon ay nakasaad sa Revised Implementing Rules and Regulations ng Republic Act 10606 o ng National Health Insurance Act of 2013. Ang akreditasyon ay ibinibigay sa mga pasilidad na nag-apply sa National Health Insurance Program at nakasunod sa mga requirement na itinakda ng PhilHealth. Dahil dito, sila ay kuwalipikadong makilahok sa programa maliban na lamang kung aalisin ang kanilang akreditasyon batay sa mga tuntuning itinakda ng korporasyon.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page