top of page
Search
BULGAR

Petisyon sa korte para sa presumptive death ng nawawalang asawa

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Nov. 13, 2024



Magtanong kay Attorney ni Atty. Persida Acosta

Dear Chief Acosta,


Ang aking asawa ay apat na taon ng hindi umuuwi ng bahay. Magmula noon ay wala na akong balita kung nasaan siya. Sinubukan ko ang aking makakaya na hanapin siya.  Nagtanung-tanong na rin ako sa mga kamag-anak niya kung alam nila kung nasaan siya, subalit wala akong nakuhang makakatulong na sagot mula sa kanila. Nababahala lamang din ako dahil may sakit siya sa puso at hypertension. Ganunpaman, sa paglipas ng panahon ay nahihirapan na rin akong walang katuwang sa buhay. Kamakailan lamang ay may nakapagsabi sa akin na diumano ay maaari akong magpetisyon sa korte upang makakuha ng decree na siya ay “presumptively dead” na. Tama ba ito? — Skye


 

Dear Skye,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Article 41 ng Family Code at sa kasong Republic of the Philippines vs. Josephine Ponce-Pilapil (G.R. No. 219185, November 25, 2020), sa panulat ni Kagalang-galang na Kasamang Mahistrado Ramon Paul L. Hernando.


Nakasaad sa Article 41 ng Family Code na:


“Article 41. A marriage contracted by any person during subsistence of a previous marriage shall be null and void, unless before the celebration of the subsequent marriage, the prior spouse had been absent for four consecutive years and the spouse present has a well-founded belief that the absent spouse was already dead. In case of disappearance where there is danger of death under the circumstances set forth in the provisions of Article 391 of the Civil Code, an absence of only two years shall be sufficient.


For the purpose of contracting the subsequent marriage under the preceding paragraph, the spouse present must institute a summary proceeding as provided in this Code for the declaration of presumptive death of the absentee, without prejudice to the effect of reappearance of the absent spouse.”


Sinabi rin ng Korte Suprema sa nasabing kaso na Ponce-Pilapil:


“Jurisprudence sets out four requisites for a grant of a petition for declaration of presumptive death under Article 41 of the Family Code: first, the absent spouse has been missing for four consecutive years, or two consecutive years if the disappearance occurred where there is danger of death under the circumstances laid down in Article 391 of the Civil Code; second, the present spouse wishes to remarry; third, the present spouse has a well-founded belief that the absentee is dead; and fourth, the present spouse files for a summary proceeding for the declaration of presumptive death of the absentee.”


Ipinaliwanag ng Korte Suprema sa nasabing kaso na ang pangatlong requirement hinggil sa “well-founded belief” ay mahirap patunayan. Dapat ay nagkaroon ng diligent at reasonable efforts ang buhay na asawa na hanapin ang kanyang nawawalang asawa, at base sa kanyang pagsisikap at pagtatanong ay naniniwala siya na sa mga pangyayari ay patay na nga ang kanyang nawawalang asawa. Hindi sapat na walang balita kung buhay pa ang nawawalang asawa o kaya ay may general presumption of absence upang maituring na presumed dead na nga siya. Gaya ng sitwasyon ng nawawala mong asawa, sinabi rin ng Korte Suprema sa nasabing kaso na hindi maaaring magkakonklusyon na ang nasabing sakit ay maituturing na terminal illness bago pa man siya mawala. Ang isang expert testimony at medical document ay kinakailangan upang suportahan ito.

Base sa nabanggit, ang iyong pinaplanong petition ay premature. Ang mere absence o hindi malaman na lokasyon ng iyong asawa, kakulangan sa balita na siya ay buhay pa o pakikipag-ugnayan, o general presumption of absence sa ilalim ng Kodigo Sibil ay hindi sapat upang maglabas ang korte ng nasabing decree. Dapat din ay makipag-ugnayan kayo sa mga awtoridad na hanapin ang inyong nawawalang asawa.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page