top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Personalized pa para sa b-day ng BFF… OSANG, NIREGALUHAN NG CHRISTIAN DIOR BAG NI SHARON

BULGAR
May 13, 2021
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | May 13, 2021




Ipinost at ifinlex (word ng mga bagets ngayon) ni Rosanna Roces ang advance birthday gift sa kanya ni Sharon Cuneta na isang personalized Christian Dior bag.


Sa May 25 pa ang birthday ni Osang, kaso lumipad si Sharon pa-Los Angeles at baka hindi pa makabalik agad, kaya ipinadala na niya ang kanyang birthday gift sa aktres.


Naka-post sa Instagram ni Rosanna ang bag na sa isang side, nakasulat ang “Rosanna R.” at sa kabilang side, nakasulat ang “Christian Dior.”


Sabi tuloy ni Osang, “Thank you very much for the advance B-day Gift @reallysharoncuneta.. Grabe, tulala pa ako hanggang ngayon. Personalized talaga, grabe... Love mo talaga ako.”

Nagkasama sa Viva Films movie na Revirginized sina Sharon at Rosanna at naging magkaibigan. Maaalalang niregaluhan din ni Sharon ng LV bag naman ang director nilang si Darryl Yap.


Naging close rin si Sharon kay Marco Gumabao na leading man niya sa nabanggit na pelikula. Kaya ang susunod na reregaluhan ni Sharon ng bag ay si Marco, sa birthday na siguro nito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page