top of page

Persona non-grata vs Chinese Embassy… De Lima sa pagtutol ni PBBM: Hindi tayo pwedeng lalamya-lamya

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 1 min read

by Info @News | February 1, 2026



Leila De Lima at Bongbong Marcos - FB

Photo: Leila De Lima at P-Bongbong Marcos - FB



Binigyang-diin ni Mamamayang Liberal (ML) Partylist Rep. Leila de Lima na hindi puwedeng lalamya-lamya ang Pilipinas sa pagtatanggol at pagdedepensa ng teritoryo matapos ang pagtutol ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa mungkahi na ideklarang ‘persona non-grata’ ang Embahada ng China.


Kasunod ito ng mga maiinit na patutsada nito sa mga opisyal ng bansa na bumabatikos sa patuloy na panggigipit nila sa West Philippine Sea (WPS).


Aniya, “No, tapos ano na, Mr. President?”.


“Lantaran na ngang nagkakalat ng kasinungalingan tungkol sa ating bansa, itinataboy at binabastos pa tayo sa sarili nating bakuran, “NO!” lang ba ang isasagot sa ating mga panawagan?” saad ni De Lima.


Dagdag pa niya, “Sa usapin ng pagtatanggol sa ating mga kababayan, sa pagdepensa sa ating teritoryo, soberanya at pambansang dangal, at sa pagsusulong ng mga nilagdaan nating international agreements tulad ng Vienna Convention on Diplomatic Relations, hindi tayo pwedeng lalamya-lamya.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page