top of page
TALKIES - BIMBY, GUSTONG MAG-ASAWA NANG MAAGA PARA MAIHATID NINA KRIS AT BOY SA ALTAR_FB B

Make-up lang daw kaya nag-iba ang hitsura… KINUMPIRMA NG MANAGER: JANE, ONCE LANG NAGPARETOKE, SOLB NA!

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 31, 2026



SPECIAL - KINUMPIRMA NG MANAGER- JANE, ONCE LANG NAGPARETOKE, SOLB NA!_IG _janedeleon

Photo: IG _janedeleon



Nakausap namin ang manager nina Kelvin Miranda at Jane de Leon na si Tyronne Escalante sa special screening ng Sa Tamang Oras at Panahon (STOP) movie last week sa Fishermall Cinema. Ang nasabing advocacy movie ay pinagbibidahan ni Kelvin kasama ang Kapuso actress na si Angel Guardian.


Bukod kay Kelvin na kinumusta namin kay Tyronne dahil sa sinabi ni Direk Neal “Buboy” Tan na direktor ng STOP na bipolar daw – na hindi rin naman itinanggi ng manager – napag-usapan din namin ang isa pang alaga niyang si Jane.


Hiningi namin ang reaksiyon ni Tyronne kaugnay ng puna ng ilang netizens na hindi na raw makilala si Jane dahil sa dami ng ipinaretoke nito sa kanyang mukha.


Napangiti muna si Tyronne bago sumagot, “Ah, hindi ko naman ide-deny na nagpa-enhance siya before. Pero to be honest, itong recent na ASAP niya, wala kaming ginalaw du’n. Talagang it just so happened na matagal siguro siyang hindi nakita. So, baka nanibago ‘yung mga tao dahil hindi naman siya visible lately, ‘di ba?”


Dagdag pang paliwanag ni Tyronne, “So, more on make-up siguro, saka pumayat siya. ‘Yung previous na labas niya kasi, PBB pa, mataba pa siya noon, at the same time, naka-braces. So, iba talaga ‘yung looks niya. So, depende siguro sa make-up.”


So, hindi totoong may ipinabago na naman si Jane de Leon sa kanyang face?“Oo, wala kaming anything na ginalaw,” kumpirmasyon ng manager ng aktres na minsan ding gumanap na Darna sa ABS-CBN action serye.


Sa tanong kung may balak pa ba silang baguhin ni Jane sa mukha ng aktres para sa future projects o growth nito, sagot ni Tyronne, “Wala naman na kaming ipinagagalaw. Kuntento naman siya (sa looks niya ngayon).”


Samantala, tinanong din namin si Tyronne kung bakit after Darna, parang hindi masyadong nag-boom ang career ni Jane.


Paliwanag ng manager, actually, marami raw offers sa aktres kahit ang kabilang network, pero mas pinili raw ni Jane na mag-stay sa Kapamilya at maghintay ng right project para sa kanya.


Wala naman daw exclusive contract ang aktres sa ABS-CBN pero bilang respeto at utang na loob sa network ay mas pinipili ni Jane na mag-stay dito, kahit pa nga nagbaba raw ng talent fee ang network sa mga artista nito.


“Ang laki ng utang na loob namin sa ABS, eh. Hindi naman magiging Darna si Jane kundi dahil sa ABS-CBN. Saka, grateful kami kung ano’ng meron si Jane ngayon.”


Samantala, as a manager, tiniyak ni Tyronne na hindi siya nakikialam sa love life ni Jane. Quiet na lang din daw siya ‘pag naiintriga ang alaga para hindi na mas lumaki pa ang mga isyu.


Pero sa isyung na-link si Jane kay former Gov. Luis “Chavit” Singson, hindi ito pinalagpas ni Tyronne at diretsahang sinagot ang tanong.


“It’s not true. Hindi nga siya kilala ni Chavit, eh. Never pa silang nag-meet. Nagulat ako du’n, kung bakit lumabas ‘yung idea na ‘yun,” sabi ng Tyronne Escalante Artist Management CEO.


So, guys, klaro na, ha?!





SPEAKING of pagpapaganda, usung-uso talaga ang skin care products ngayon, at sabi nga, kesehodang mag-diet ang ilang kababaihan ‘wag lang mawalan ng pambili ng mga whitening soap, creams, lotion, etc. para kuminis at pumuti ang kanilang skin.


Pero ayon kay Dr. Nathalie Ordanza, ang CEO ng newly-launched skin care products na Elan Ivory Glow, hindi naman kailangang maging maputi para mag-glow ang skin. Naniniwala nga siyang tulad niyang morena, mas maa-appeal ang mga katulad nina Kathryn Bernardo, Nadine Lustre at Alice Dixson.


Pero gandang-ganda rin daw siya sa mukha nina Marian Rivera, Dawn Zulueta at Lorna Tolentino na mapuputi at mestiza beauty.


Kaya nga nang matanong siya ng press sa launching ng Elan Ivory Glow, ang mga naturang female celebrities ang nabanggit niyang gusto niyang kuning endorsers kung kakayanin na ng kanyang budget.


April this year lang daw kasi nag-start sa market ang kanyang mga produkto, pero natutuwa naman siyang madali itong tinanggap ng mga consumers lalo na ‘yung mga busy women na laging nagmamadali at ayaw magpahid ng maraming produkto sa kanilang mukha at balat.


Sa Elan Ivory Glow kasi, brightening & skin-renewing soap, facial mist, repair cream at brightening underarm cream lang ay sapat na raw para maalagaan ang ating mukha at skin.


Nai-share rin ni Dr. Nathalie na siya rin pala ay may skin problem, ang Polymorphous Light Eruption, kung saan nagkakaroon daw siya ng blisters ‘pag nagbi-beach siya. 


Kaya naisip niyang dahil wala siyang mabiling right products para sa kanyang kondisyon, eh, nag-seek na lang siya ng tulong ng chemist at nagpa-formulate ng products na ngayon ay marami na rin daw kababayan natin na may skin condition tulad niya ang natutulungan.


At hindi lang daw pambabae ang Elan Ivory Glow, puwede rin ito sa mga kalalakihan at si Ken of SB19 nga ang naiisip ni Dr. Nathalie na kuning endorser kung may chance.


Para naman sa kanyang brightening underarm cream product, nabanggit niya ang gay comedian na si Pepay dahil nang minsan daw mapanood niya ito sa It’s Showtime, hiyang-hiyang itaas ang kamay dahil baka hindi confident sa kilikili nito.


Oh, well, baka next time, marami nang i-introduce na endorsers si Dra. Nathalie para sa kanyang skin care products.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page