top of page
TALKIES - BIMBY, GUSTONG MAG-ASAWA NANG MAAGA PARA MAIHATID NINA KRIS AT BOY SA ALTAR_FB B

Ryzza Mae, pang-showbiz lang ng anak… 2 LANG SA 5 NAKAPASA KAY KRIS PARA KAY BIMBY ANG SUPER-GANDA

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 31, 2026



TEKA NGA - 2 LANG SA 5 NAKAPASA KAY KRIS PARA KAY BIMBY ANG SUPER-GANDA_FB Bimby Aquino

Photo: FB Bimby Aquino



Sa guesting nina Bimby at Kris Aquino sa birthday episode ni Boy Abunda sa Fast Talk, maraming natalakay sa personal na buhay nilang mag-ina.


Pag-amin ni Bimby, single pa siya at never pang na-experience na makipag-date na ipinipilit ng ina na nagawa na niya. 


Ganunpaman, nasa plano naman daw niya ang magpakasal, preferably mid-20s or early 30s.


At isa sa mga titiyakin niya ay pasado at aprubado sa kanyang Mommy Kris ang babaeng kanyang pakakasalan. Kahit daw gusto niya at mahal ang isang babae, pero hindi type ng ina, ile-let go na lang ni Bimby.


Gusto niya itong mapasaya, kaya kung sinuman ang mapili ni Kris ay okey na rin sa kanya.


Sa hanay ng limang nakapasa sa standards ni Kristeta, dalawa lang daw dito ang super-ganda. At tiyak daw na super-cute ang kanyang magiging apo.


So, pang-showbiz lang pala ang tandem nina Ryzza Mae Dizon at Bimby? 

Hay, naku! Nag-iisa lang talaga ang isang Kris Aquino na kayang ilantad sa publiko ang mga pribadong kaganapan sa kanyang buhay. She’s brutally frank at medyo maarte, pero tanggap ng lahat ang ugali niyang ito.





Pabaon ng GF na si Magui… 

ROBBIE, MAY DALANG BIBLE SA PBB PANLABAN SA ANXIETY



KUWENTO ng anak ni Mikee Cojuangco na si Robbie Jaworski, sa edad niya ngayong 26, ni minsan ay hindi siya nakaranas ng anumang hirap tulad ng ibang kabataan.


Pero nakaramdam daw siya ng anxiety at depression na hindi niya maipaliwanag kung ano ang dahilan.


May pagkakataon daw na nagkulong siya sa CR ng 3 days at doon siya umiyak nang umiyak, kaya ang tanging ginawa niya ay magdasal upang labanan ang kanyang depression.


May dala siyang Bible nang pumasok sa Pinoy Big Brother (PBB) house. Bigay ito ng kanyang girlfriend na si Magui Ford na kapatid ni Daniel Padilla. Nakakatulong ito sa kanya kapag nakakaramdam ng matinding lungkot.


Samantala, madaling nagkagaanan ng loob sina Robbie at GMA artist Mikee Quintos. Kay Mikee Cojuangco pala na mommy ni Robbie isinunod ang pangalan ni Mikee, kaya natuwa at naaliw ang aktor nang malaman kung saan nanggaling ang pangalan ng Kapuso actress.


Hindi rin naman inakala ni Mikee na magkakasama sila ni Robbie sa PBB. Paborito raw kasi noon ng mom ni Mikee si Mikee Cojuangco.





NAGING emosyonal si Winwyn Marquez nang makita niya ang stuffed toy na paborito ng kanyang anak. Ito raw ang ipinabaon nito sa kanya nang pumasok siya sa Bahay ni Kuya.


Ayon sa kuwento ng aktres, ang nasabing stuffed toy ang nagsisilbing security blanket ng kanyang anak kapag ito ay nalulungkot o natatakot na lagi nitong bitbit kahit saan magpunta.


At ngayon nga ay ipinabaon ito sa kanya ng anak upang magbigay sa kanya ng lakas ng loob habang nasa loob ng Bahay ni Kuya.


Alam ni Winwyn na marami ang nagtatanong kung bakit ginusto pa niyang pumasok sa Pinoy Big Brother (PBB) at maging housemate gayung sikat na siya at naging beauty queen pa. Ano pa ba ang gusto niyang patunayan sa kanyang sarili?


Well, para sa beauty queen-aktres, kakaibang experience ang mararanasan niya sa PBB Collab 3.0. May maise-share siya sa kapwa niya housemates at may matututunan din naman.

Ang importante ay nagawa niya ang isa sa kanyang nasa bucket list noon, naranasan niya ang buhay ng isang housemate sa Bahay ni Kuya.





DAHIL sa panahon ng Undas, may temang katatakutan ang episode ngayon ng Pepito Manaloto. Magkakaalaman na kung sinu-sino sa cast ang matatakutin dahil sasabak sila sa ghost hunting at tiyak na mag-e-enjoy ang mga viewers.


Idadaan na lang ba sa comedy ang kanilang mga nakakatakot na karanasan? Makaka-relate ba sa mga horror stories sina Michael V., Manilyn Reynes, Nova Villa, Chariz Solomon, Jake Vargas, John Feir, Angel Satsumi at Mosang?

May pa-Halloween party ba sa bahay ng mga Manaloto?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page