top of page
TALKIES - BIMBY, GUSTONG MAG-ASAWA NANG MAAGA PARA MAIHATID NINA KRIS AT BOY SA ALTAR_FB B

Sinabihang magpakamatay at magka-AIDS ang pamilya… TUESDAY, NAGPASAKLOLO SA NBI LABAN SA BASHER

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | October 31, 2026



WINNER - TUESDAY, NAGPASAKLOLO SA NBI LABAN SA BASHER_FB Tuesday Vargas

Photo: FB Tuesday Vargas



Lumapit si Tuesday Vargas sa National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division dahil sa matinding online harassment, hate speech at death threats na natanggap niya.


May isa kasing basher na naglabas ng mahabang post sa social media laban sa singer-comedienne.


Narito ang pahayag ng basher ni Tuesday:


“Sino ba kumanta ng ‘Bakla, kla, kla, kla’??? ‘Di mo ba alam na isang pambabalahura sa aming mga straight ang kanta mo? ‘Di mo ba alam na karamihan sa aming mga lalaki, nababastos sa ganyang paraan? ‘Di mo ba alam na karamihan sa aming mga lalaki, tatahimik na lang?


“Kaya mas malaki ang suicide rate naming mga lalaki kesa sa mga babae dahil ‘di lahat kaya mag-speak up against bullies like you!”


Binatikos din ng basher ni Tuesday ang nakaraang isyu sa depresyon ng singer-comedienne.


Karugtong pa ng mensahe: “‘Di ba lately, na-depress ka? BUTI NGA SA ‘YO! ANG MABUTI PA, MAGPAKAMATAY KA NG TUESDAY VARGAS NA SALOT KA! LAOS KA NA! PROMOTOR KA PA NG LGBasura! Wala naman sana kaming paki kung tomboy ka or what, kasi wala naman akong bad experience sa mga tomboys/lesbians, pero kung pareho mo rin ang ugali, ikaw siguro ang unang tomboy/lesbian na isusumpa at kamumuhian ko!


“Kaya MAMATAY KA NA AT MAGKA-AIDS YANG PAMILYA MO! ARTISTANG HAMPASLUPA! MGA KAGAYA MO NA KAKARMA NA! MA-DEPRESS KA PA SANANG HAYOP KA!


“God is good para parusahan ang mga kagaya mo! Kaya nga na-depress ka, eh. Tapos ngayon gagawa ka na naman ng kahayupan, kaya sa susunod na ma-depress kang hayop ka, PAKAMATAY KA NG PANGIT KA! AT WALANG A-ATTEND SA BUROL MO!”


Sa caption ng post ni Tuesday, kung saan ibinahagi niya ang FB profile ng basher at ang post nito, binanggit niyang magre-report siya sa NBI Cybercrime Division upang maghain ng reklamo.


Sey ni Tuesday sa kanyang FB post, “NBI Cyber Crime Division reporting this person to your good office. You’re crying about respect while typing death threats, hate speech, and telling people to commit suicide.


“You are the exact definition of the problem you’re complaining about. The hypocrisy is loud. Take this toxic hate elsewhere.


“Darc Phoenix, my legal team will be in touch.”

Hala, lagot siya kay Tuesday!





PATULOY ang laban na kinakaharap ng karakter ni Coco Martin sa Kapamilya serye niyang Sigabo. Maaaring may mga tao sa paligid ni Gabo (Coco) na nagdududa sa kanyang kakayahan at minamaliit siya, kabilang ang kanyang madrasta na si Betchay (Irma Adlawan), pero mas marami pa rin ang naniniwala sa kanya.


Bukod sa kanyang pamilya, kaibigan, kapitbahay, at ‘asawa’ na si Gloria (Julia Montes), may isa pang taong lubos na naniniwala kay Gabo – si Papang, o simpleng ‘Paps’, ang pinuno ng lihim na vigilante group na Anino, na ginagampanan ng beteranong aktor na si Joonee Gamboa.


Noong unang ipakilala si Paps bilang si Tatang, isang matandang kapwa preso ni Gabo, sa pilot episode ng Sigabo, maaaring inakala ng mga manonood na isa lamang siyang ordinaryong karakter. Marahil ay nagulat ang marami nang mabunyag na hindi lang siya ordinaryong tao dahil siya nga ang kumander ng Anino, isang patagong organisasyon na nagsasagawa ng mga nakamamatay na misyon laban sa mga kriminal at sindikato na hindi direktang matugunan ng gobyerno.


Nang sa wakas ay tinanggap ni Gabo ang kanyang inaugural mission, binalaan siya ni Paps na haharapin niya ang mga mapanganib na indibidwal na nagbabanta sa lipunan. Pinaalalahanan din niya si Gabo na huwag matakot o mag-atubiling pumatay kung kinakailangan dahil pinahintulutan siya ng gobyerno na gawin ito.


Sabi pa ni Paps kay Gabo, “Ikaw ang dulo ng sibat. Ikaw ang talim ng espada. Ikaw ang kamao ng Anino.”


Sa isang mundo kung saan ang mga tao ay mabilis na nagdududa sa ating mga kakayahan at kinukuwestiyon ang ating halaga, masuwerte si Gabo na magkaroon ng isang tulad ni Paps na nakikita ang kanyang potensiyal at naniniwalang maaari siyang gumawa ng pagbabago.


Minsan, ang kailangan lang ay isang tao na kumikilala sa kung ano ang kaya natin, kahit na hindi ito nakikita ng iba, upang bigyan tayo ng lakas ng loob na magtiyaga at patunayan kung ano tayo.


Tama ba si Paps na magtiwala nang buo kay Gabo? Alamin sa mga paparating na episodes ng Coco Martin’s Sigabo, na napapanood tuwing linggo, 8:00 PM, sa ABS-CBN sa ALLTV2, Kapamilya Channel, TV5, at A2Z. Maaari mo ring panoorin ang mga episodes sa pamamagitan ng Kapamilya Online Live (KOL) o i-stream ang mga ito anumang oras sa iWant!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page