top of page
Search
  • BULGAR

Perfect wedding date raw… MARC, NEW YEAR'S DAY GUSTONG PAKASALAN SI KRIS

ni Nitz Miralles @Bida | August 16, 2023



Kinikilig na, nakukyutan pa at naaliw ang mga fans kay Marc Leviste dahil parang Gen Z daw kung magpahayag ito ng love niya kay Kris Aquino.


Idinaraan kasi ni Marc sa initial ang pagmamahal niya kay Kris. Gaya ng initial na ML na ang ibig sabihin pala ay “My Love.”


Heto pa, may mga binanggit pa si Marc na TK at MK, na ang mga ibig palang sabihin ay “Tita Kris” at “Mommy Kris.”


Waiting pa ang mga netizens sa ibang ipapauso ni Marc na siguradong kakikiligan pa ng mga fans nila ni Kris.


Magandang balita pa ang nai-share ni Marc na ang anak niyang si Conrado Leviste o C2 lives with Kris and the boys (Josh and Bimb) habang nasa bansa siya.


Sabi ni Marc, “According to TK, they’ve been developing a tight bond and making special memories every day.”


Dagdag pa ni Marc, “And of course, thank you, ML from the bottom of my heart for loving and taking care of C2 like your own — there’s nothing more magical than that #WeAreFamily #FamilyIsLove #LoveLoveLove.”


Game rin si Marc sagutin ang mga comments ng mga fans gaya ng nagsabing “Please don’t break her heart,” na sinagot ni Mark ng “Of course.”


Sa nag-comment kung ano ang perfect wedding date nila dahil si Kris was born on Valentine’s Day at si Marc was born on Christmas Day, sagot ng pulitiko, “New Year’s Day para sa gitna,” na muling kinakiligan ng mga fans.


Ayun, naki-ML na rin sila kay Marc.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page