Perfect life partner daw kaya laging excited umuwi ng bahay… JULIA, TAGA-LUTO AT TAGA-PLANTSA NG DAMIT NI COCO
- BULGAR

- 14 hours ago
- 3 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | November 2, 2025

Photo: CocoJul / FB
“Ang pinakasuwerte ko kay Julia (Montes), ‘yung pag-aalaga at pagmamahal talaga n’ya kasi alam na namin ‘yung part namin sa isa’t isa. Ako ang planner, s’ya ang taga-gawa,” ito ang kuwento ni Coco Martin sa panayam niya sa KC After Hours vlog ni Karmina Constantino-Torres kahapon.
Nagpasalamat ang host ng KC After Hours dahil napagbigyan siya ni Coco sa sobrang busy nito bilang aktor, direktor, at producer ng FPJ’s Batang Quiapo (BQ).
Ayon sa binata, libre siya ng Sabado at Linggo kaya kahapon ng umaga isinagawa ang panayam.
Sa pagpapatuloy ni Coco kung bakit si Julia na ang kanyang life partner, “Pagdating ko sa bahay, wala na akong iiSa pagpapatuloy ni Coco kung bakit si Julia na ang kanyang life partner, “Pagdating ko sa bahay, wala na akong iisipin pa, lahat naka-prepare na ‘yan. S’ya magluluto, alam n’ya kung ano ‘yung mga paborito kong pagkain. Lahat ng damit ko, s’ya ang mag-aayos, magpaplantsa, lahat, talagang handa na.sipin pa, lahat naka-prepare na ‘yan. S’ya magluluto, alam n’ya kung ano ‘yung mga paborito kong pagkain. Lahat ng damit ko, s’ya ang mag-aayos, magpaplantsa, lahat, talagang handa na.
“Sino ba naman ang hindi sisipaging magtrabaho? At para makaiwas ka sa anumang bagay pagkatapos ng work, uwi! At may dahilan kung bakit gusto mong umuwi.”
Sundot ni Karmina, “Paano kung ikaw ang nilalapitan?”
Sobrang natawa si Coco sabay sabing, “Napagkukuwentuhan din namin ‘yan. Sabi ko nga kay Juls, ‘Alam mo, iba pala ‘pag nagkaka-age ka.’ ‘Di mo masasabi, iba ka nu’ng 20s ka, iba nu’ng 30s ka, at iba rin nu’ng nasa 40s ka na. Dumarating na rin ‘yung maturity at iba’t ibang level na ang maturity. Sabi ko nga dati, talagang hindi puwede sa akin ‘yung puwede na. Naku! ‘Di talaga.’”
Inamin din ni Coco na siya ang nagplano na magtayo sila ng negosyo ni Julia habang mainit pa sila at magagamit nila ang social media nila para sa promo nito. At least daw ay may naumpisahan na sila at hindi ‘yung matanda na ay saka pa lang sila magpaplano.
At so far, mabenta ang negosyong itinayo ni Coco para sa kanilang pamilya kasama ang mga kapatid — ang Bida Dishwashing at kay Julia naman, ang kanyang online food business.
Samantala, kaarawan ni Coco kahapon (44 years old na), November 1, at ang ultimate wish niya ay unity para sa lahat dahil ito raw ang wala sa mga Pilipino.

Ipinost naman ni Julia ang larawan ng love of her life sa kanyang Instagram (IG) account kagabi sa birthday salubong ng aktor na may caption na: “Wishing you a very happy birthday! You are our greatest blessing and my truest home. May this year bring you more peace, joy, and everything you’ve worked so hard for. So proud of you @cocomartin_ph.”
NAGPAKITA ng panibagong buwis-buhay na action stunts si Coco Martin sa Kapamilya teleseryeng FPJ’s Batang Quiapo (BQ) para iligtas ang karakter ni Christopher de Leon na nasa bingit ng kamatayan.
Isa sa mga itinampok sa maaksiyong eksena ang paglambitin nina Coco at Christopher sa isang mataas na gusali habang nakatali sa kadena at nakikipagbarilan.
Sa kasalukuyang takbo ng kuwento, nagtagumpay si Tanggol (Coco) sa pagligtas sa ama niyang si Ramon (Christopher) matapos itong dukutin ng grupong Red Phoenix. Sa kabila ng patibong ng kalaban, mag-isang napatumba ni Tanggol ang sangkatutak na armadong lalaki bago dumating ang tropa upang tulungan sila sa pagtakas.
Matapos ang matinding balakid sa kanilang buhay, pinaplano na nina Tanggol at Ramon ang pagkamit ng hustisya. Sa ngayon, uunahin nila ang paghihiganti laban sa mortal nilang kaaway na si Divina (Rosanna Roces) at ang makapangyarihang pamilya Guerrero.
Huwag palampasin ang maaaksiyong kaganapan sa FPJ’s Batang Quiapo, na hango sa orihinal na kuwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWant, at Kapamilya Online Live.
Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.








Comments