Perfect 10 ang rating… IVANA: JOSHUA, GRABENG SUMIPSIP
- BULGAR

- Apr 29
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | April 29, 2026

Photo: Joshia Garcia at IVana Alawi sa Love is Never Gone - Prime
Nagkatawanan sa mediacon ng Prime Video series na Love is Never Gone kagabi nang sabihin ni Ivana Alawi na “Grabe sumipsip si Joshua” matapos niyang sabihing perfect 10 ang rating niya sa halik nito sa mainit nilang kissing scenes sa seryeng magsisimula na sa May 8.
Natatawang kuwento ni Ivana, ang laki raw ng bibig ni Joshua at talagang nakabukas pa sa kissing scene nila.
Nang si Joshua naman ang tinanong, 9 lang daw ang rating niya kay Ivana para may room for improvement pa dahil nakasara naman daw ang bibig nito sa halikan nila.
Sobra, ang hot ni Joshua sa kissing and bed scene nila ni Ivana at for sure, isa ‘yun sa mga aabangan ng mga fans at viewers sa pagsisimula ng Love is Never Gone sa May 8 sa Prime Video.
Kasama rin sa cast ang magagaling at veteran actors na sina Michael de Mesa, Ms. Dina Bonnevie, Ara Mina, Epi Quizon, Jane Oineza, Jameson Blake, at ang young love team nina Fyang Smith at JM Ibarra.
Mula ito sa Dreamscape Entertainment Productions at sa direksiyon nina Manny Palo at Jojo Saguin.
Todo-tangging magpe-presidente…
VICE, SI LENI PA RIN ANG BET SA 2028
IN the mood si Vice Ganda na makipagtsikahan sa mga members ng Society of Phil. Entertainment Editors (SPEEd) at ilang media friends sa ipinatawag niyang post-birthday celebration sa Cafe Romulo last Monday.
Sobra naming na-appreciate ang effort at time na inilaan ni Vice para maka-dinner at maka-bonding ang press people. No holds barred ‘ika nga ang Q and A at sinagot ni
Vice ang lahat ng tanong sa abot ng makakaya niya.
Sa pakikipag-usap niya sa aming lahat, dito namin naramdaman na sa kabila ng kasikatan at kayamanang meron ngayon si Vice, taung-tao pa rin siya at hindi nakakalimot kung saan siya nanggaling.
Golden girl na ngayon si Vice at aminado siyang minsan, napi-feel niyang hindi na rin niya kakayanin ang everyday hosting sa It's Showtime. Pero dahil mahal niya ang show, hindi rin naman niya kayang mawala nang matagal dito.
Actually, inamin nga ni Vice ang dahilan ng pagkawala niya sa IS nang mahigit isang buwan. Hindi raw intentional ang kanyang pagli-leave. Ayaw pa nga niyang ikuwento sana dahil ka-cheap-an daw ang nangyari sa kanya, pero ikinuwento na rin niya.
Nagkaroon daw kasi siya ng parang kalyo sa ilalim ng hinlalaki niya sa kanang paa dahil sa lagi niyang pagsusuot ng heels. Nang madapa siya ng isang beses, nagkasugat daw ‘yung part na ‘yun ng kanyang paa at namaga.
Akala raw niya ay gout lang at ininuman ng gamot, pero nang hindi gumagaling, nagpa-checkup na siya sa Singapore dahil na-bother daw siya at pinayuhan ng doktor na bawal munang magsuot ng sapatos sa loob ng 3 months habang pinagagaling ang kanyang paa.
Kaya sa It's Showtime, naka-tsinelas lang daw muna si Vice.
Anyway, natanong din namin si Vice kung ano'ng masasabi niyang may mga nagtutulak sa kanya na tumakbong presidente sa 2028.
Todo-tanggi si Vice at wala raw talaga ito sa isip niya. Kung may susuportahan man daw siya, si Leni Robredo ‘yun dahil malaki ang tiwala niya rito na mababago ang sistema ng gobyerno sa Pilipinas.
So, alam n'yo na ang bet ni Vice sa 2028, ha?





Comments