top of page
Search
  • BULGAR

Pera ng aktres, ‘di raw habol… PAMILYA NI DOMINIC, ‘DI FEEL SI BEA

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 8, 2024



Showbiz Photo
File photo: Dominic at Bea

Kung tutol man noon kay Dominic Roque ang partido ni Bea Alonzo na magkatuluyan sila, may tsika rin na hindi pabor ang pamilya ng aktor na si Bea ang pakasalan nito. 


Hindi naman daw kasi ang yaman ni Bea ang habol ni Dominic, dahil may sarili rin siyang negosyo. 


Madiskarte sa buhay at mapera si Dominic, kaya marami siyang kilalang pulitiko at negosyante na nagbibigay ng payo sa kanya pagdating sa negosyo.


Marami ring kaibigan si Dominic na nasa iba’t ibang fields, at nang mag-artista ay doon niya napansin si Bea Alonzo.


Mistulang reyna ang treatment ni Dominic kay Bea sa ABS-CBN dahil sa lakas ng mga pelikula nito noon kasama si John Lloyd Cruz. Pero nang magkalapit ang loob nila ay hindi na-intimidate ang aktor kay Bea dahil ang tunay na ugali ni Dominic ang kanyang ipinakita. Hindi s’ya nagpa-impressed upang magustuhan ni Bea.


Well, walang dark secrets si Dominic kaya taas-noo siyang makakaharap kahit kanino.


Nang umatras sa kanilang kasal si Bea Alonzo, may tsikang ikinatuwa pa ito ng ilang kaanak ni Dominic. Hindi naman daw kasi gaanong close si Bea sa pamilya ng aktor.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page