top of page

Pera, ‘di winaldas... AWRA, PROUD NA NAPAGTAPOS NG MASTERAL DEGREE ANG AMA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 15, 2024
  • 1 min read

Updated: Mar 16, 2024

ni Julie Bonifacio @Winner | March 15, 2024




Proud na ipinost ng batang komedyante na si Awra Briguela ang graduation pictures ng kanyang ama na si Oneal Brian Briguela sa Instagram kamakailan.


Nagtapos ang ama ni Awra ng Masteral Degree in Business Administration course. Pero, hindi nabanggit ni Awra kung saang eskuwelahan nagtapos ang kanyang ama.


May nag-post ng comment asking kung sa Philippine Christian University-Dasmariñas City, Cavite ba nagtapos ang ama ni Awra. Isa sa mga pictures na ipinost ni Awra ay ‘yung picture na magkasama sila ng kanyang ama na naka-outfit ng pang-graduation.


Caption ni Awra sa kanyang IG (Instagram) post, “Congratulations on all your well-deserved success, Pa.”


Dinagsa naman ng pagbati at paghanga ang ama ni Awra sa kanyang social media post.


“Ang galing ng papa mo, imbes na sa luho niya binili ang mga napaghirapan mo, ginamit niya sa pag-aaral. Congrats sa inyo, nakapagpatapos ka ng bachelor at masteral. Gagamitin niya ‘yan para makapagtrabaho para sa pamilya.”


Comment ng isang netizen, “Congratulations po. Ang galing po ninyo.”


Naging inspirasyon din ang ama ni Awra sa mga netizens na nakakita ng post nito.


Sey nga ng netizen, “Nakaka-inspired to go back to school and finish my studies. So proud po, congrats po. This is a sign na I need to finish my studies even though I'm 20 plus,” na meron pang mga emojis na naluluha, masaya at heart na black sa huli.


Ang iba naman ay nag-wish na maging inspirasyon ni Awra ang kanyang ama na mas harapin ang pag-aaral kaysa ang pakikipagbarkada at gumawa ng iskandalo.


Sabeee?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page