top of page
Imee Marcos - FB.jpg

“Pekeng” parking at vendor's fee, ‘wag gawing gatasan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 hours ago
  • 2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | July 28, 2026



Bistado ni Ka Ambo


Pahinga muna ang bakbakan ng US at Iran.

Napagod din ang mga loko!


----$$$--

AI pa rin ang pinakamainit na isyu.

Ang problema, kakaunti ang nakakaunawa nito.

Ito ay isang bagong “monster.”


----$$$--

SA susunod na 2-3 taon, paralisado na ang maraming gobyerno—dahil “dispalinghado” ang sistema sanhi ng AI.

Ibig sabihin, maraming gobyerno ang hindi makakasabay sa nagbabagong teknolohiya.


----$$$--

DAPAT ay ipaubaya ng gobyerno at pribadong sektor ang pangangasiwa sa mga kabataang higit na nakakaunawa ng AI.

Ibig sabihin, baguhin ang konstitusyon at hayaan ang gobyerno at pribadong sektor na pamunuan ng mga batang ehekutibo.


-----$$$--

IPAGBAWAL ang pagkandidato ng mga matatandang pulitiko na sobra-sobra ang karanasan sa technical malversation.

Kahit ang mga huwes o hukom ay magkusang magbawas ng edad—at ipaubaya ang hudikatura sa mga kabataan.


-----$$$--

ANG mga kabataan ngayon ay nabuhay kakambal ang gadgets––cellphone, computer, apps, platform automation, at AI.

Sila ang dapat namumuno sa publiko at pribadong sektor.


-----$$$--

ANG financial transactions—cash-in at cash-out—mula barangay, munisipalidad, siyudad, lalawigan, rehiyon at nasyonal—ay dapat nakalantad o transparent sa publiko.

Ang Ombudsman at COA ay dapat mag-hire ng mga batang “monitoring team” upang matukoy nang mabilis ang “modus sa korupsiyon.”


-----$$$--

HALIMBAWA, ang paniningil ng parking fee, tiket sa mga barangay, munisipalidad, siyudad at lalawigan—ay dapat na “well-audited” o “accounted”—dahil ‘yan ay aktuwal na korupsiyon.

Isipin mong naniningil ng bayad na “parking fee” sa mga kalye at parke—pero ordinaryong papelitos lamang ang resibo.


----$$$--

ANG mga resibo sa LGU ay dapat may “official receipt” mula sa city o municipal treasurer.

Bakit wala?

Tiyaking hindi peke ang mga resibo na ginagamit sa mga parking fee at vendor’s fee—at tiyaking nakakarating ito sa city treasurer.

Aktuwal na korupsiyon ito na nagpapahirap sa taumbayan—pero nakatameme ang lahat.


-----$$$--

GAMIT ang AI, mabilis na mamo-monitor ‘yan ng mga makabagong “apps.”

Pero, hindi ‘yan gagawin ng mga “matatandang pulitiko.”

Iyan kasi mismo ang kanilang “gatasang-baka.”

Unlimited ang daloy ng “dirty money” sa bulsa ng mga mandarambong sa pamahalaan!



Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page