PCSO at PGMC-POSC-ILTS, JOINT VENTURE; MOA Signing, naganap na!
- BULGAR
- Dec 6, 2021
- 1 min read
ni Fely Ng - @Bulgarific | December 06, 2021

Hello, Bulgarians! Ginanap kamakailan ang opisyal na paglagda ng Memorandum of Agreement sa pagitan nina Philippine Charity Sweepstakes Office Vice Chairperson and General Manager Royina Marzan Garma kasama ang iba pang PCSO Officers at ng Philippine Gaming Management Corporation (PGMC), Pacific Online Systems Corporation (POSC) at International Lottery & Totalizator Systems, Inc. (ILTS) sa Marco Polo, Ortigas, Manila.
Kasama sa milestone event ang limang taong kontrata na nagkakahalaga ng Php6,500,000,000 para sa nasabing kasunduan sa PCSO Lottery Systems (PLS)
Mula noong 1995, pinalawig ng PGMC at POSC ang kanilang mga serbisyo sa PCSO sa ilalim ng Equipment Lease Agreement (ELA) para sa lottery system.
Sa kagustuhan ng PCSO na magkaroon ng uniform o singular system na nagpapatakbo ng online lottery operations nito, ilang bidding ang isinagawa noong 2017 at 2019 para sa standardization ng lottery system. Ang mga ito ay nagresulta ng maraming pagkabigo sa bid, na humahantong sa napakahalagang anunsiyo ngayong taon ng joint venture sa POSC, PGMC at ILTS at paggawad ng five-year lease contract via single lowest calculated bid.
Inaasahan na ang joint venture na ito ay maghahatid ng mga makabago o mas updated na teknolohiya para sa susunod na limang taon, na user-friendly gaming interface para sa mga operator at mga user, at sa publikong mananaya, upang matiyak ang tuluy-tuloy na pagpapakilala ng mga nakakapanabik at makabagong laro ng PCSO.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.




Comments