PCCI, parang sinabi na sablay si PBBM sa courtesy resignation ng cabinet members
- BULGAR
- 10 hours ago
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 24, 2025

SABLAY NA PANAWAGAN NI PBBM NA COURTESY RESIGNATION SA MGA CABINET MEMBERS -- Ikinagulat ng mga negosyanteng kasapi ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) ang panawagan ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na courtesy resignation sa lahat ng miyembro ng kanyang gabinete kasi matatag naman daw ang ekonomiya ng bansa para utusan ng Presidente na magsipag-resign ang mga kalihim ng lahat ng departamento ng pamahalaan.
Kumbaga, parang sinabi na rin ng PCCI na sablay ang panawagang ito ng Pangulo, boom!
XXX
MAGANDA ANG TRACK RECORD NI SEC. REX GATCHALIAN SA DSWD KAYA SIGURADONG PANANATILIHIN SIYA NI PBBM SA PUWESTO -- Isa si Sec. Rex Gatchalian ng Dept. of Social Welfare and Development (DSWD) sa agarang tumugon sa panawagang courtesy resignation ni PBBM.
Maganda ang track record ni Sec. Gatchalian sa paglilingkod sa DSWD, sa paghahatid serbisyo sa mga mahihirap na kababayan, kaya’t asahan nang pananatilihin ito ng Presidente sa kanyang posisyon bilang head ng DSWD, sigurado iyan, period!
XXX
SEN. RISA HONTIVEROS, NANGANGARAP NANG MAGING PRESIDENTE KAHIT MATAGAL PA ANG 2028 PRESIDENTIAL ELECTION -- Mismong si Sen. Risa Hontiveros ang nagsabi na handa raw siyang sumabak sa 2028 presidential election.
Sa totoo lang, sablay ang statement na ‘yan ni Sen. Risa kasi katatapos pa lang ng 2025 election, ang nasa utak niya ay ang napakatagal pang 2028 presidential election, nangangarap nang maging presidente ng ‘Pinas, pwe!
XXX
‘SUNTOK SA BUWAN’ NA MAAPRUB SA ASYLUM SI HARRY ROQUE SA THE NETHERLANDS, ‘DI NAMAN SIYA BIKTIMA NG POLITICAL PERSECUTION, KUNDI SANGKOT SA SINDIKATONG POGO -- “Suntok sa buwan” ang hinihirit ni former presidential spokesman Harry Roque na asylum sa The Netherlands.
Ang mga binibigyan kasi ng asylum ng The Netherlands ay iyong mga biktima ng political persecution sa anumang bansa, hindi tulad ng kagaya ni Roque na inisyuhan ng korte ng warrant of arrest dahil sangkot sa sindikatong Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa ‘Pinas, boom!
Comentarios