top of page

PBBM, tutulug-tulog sa pansitan, ‘di alam 5 yrs. nang zero bill sa public hospitals dahil sa Malasakit Center

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 30
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | July 30, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

SI SEN. BONG GO ANG TOTOONG BIDA SA ZERO BILL SA MGA PUBLIC HOSPITAL AT ‘DI ANG NAGPABIDA SA SONA NA SI PBBM -- Sablay ang ibinida ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) na kesyo libre na raw magpagamot sa lahat ng public hospital sa Pilipinas. Sa totoo lang ay matagal nang libreng magpagamot, matagal nang zero billing sa mga pampublikong ospital, at nag-umpisa iyan sa Malasakit Center Act ni Sen. Bong Go na nilagdaan at isinabatas ng noo’y Pres. Rodrigo Roa Duterte last Dec. 3, 2019.


Hay naku, tutulug-tulog yata sa pansitan si PBBM kaya hindi niya alam na halos 5 taon nang umiiral sa Pilipinas ang free hospitalization sa mga pampublikong pagamutan thru Malasakit Center na isinabatas ni Sen. Bong Go.


Ang nais nating ipunto rito, at alam naman ito ng sambayanang Pinoy, na ang totoong bida sa zero billing sa mga public hospital ay si Sen. Bong Go at hindi ang pabidang si PBBM, period!


XXX


AABANGAN NG PUBLIKO KUNG TOTOONG MAY ‘BALLS’ SI PBBM NA HUBARAN NG MASKARA ANG MGA NANGURAKOT SA PONDO NG FLOOD CONTROL PROJECTS -- Sa kanyang SONA ay sinabi ni PBBM na nakita raw niya kung paano sinalanta ng mga baha dulot ng mga bagyo at habagat ang ating mga kababayan, at ipinangako niya na mananagot daw sa batas at kanyang isasapubliko ang mga nagsabwatan para kurakutin ang pera ng bayan na inilaan sa mga flood control project.


Kung totoong huhubaran ng maskara ni PBBM ang mga nangurakot sa kaban ng bayan ay good iyang gagawin niya.


At dahil diyan ay aabangan talaga ng publiko kung may “balls” si PBBM na pangalanan ang mga nangurakot sa pondo ng flood control projects, boom!


XXX


WALANG BINANGGIT SI PBBM NA IPAPA-STOP NIYA ANG MGA ONLINE GAMBLING KAYA LUNDAGAN SA TUWA ANG ONLINE GAMBLING LORDS -- Tiyak na naglulundagan ngayon sa tuwa ang mga online gambling lord na nangraraket sa mga Pinoy netizens sa social media.


Ang dahilan kaya sila happy kasi walang binanggit si PBBM sa kanyang SONA na ipapa-stop niya ang online gambling, at dahil diyan ay asahan nang lalo pang lalaganap ang raket na online gambling para biktimahin ang mga Pinoy netizens, tsk!


XXX


KUNG WALANG GAGAWING AKSYON ANG MARCOS ADMIN SA ‘LOTTENG SYNDICATE,’ DAPAT MGA ALKALDE NA ANG UMAKSYON -- Hindi lang online gambling ang dinededma ni PBBM, kundi pati ang mas lumawak na operasyon ng "lotteng syndicate" na kumukumpitensya sa legal na operasyon ng lotto sa Metro Manila.


After kasi ng May 2025 election ay namayagpag na nang husto ang lotteng syndicate nina  "Boy Abang," "Lorna," "Paknoy,"  "Dani Bukol," "Anna," "Prades," "Tonton," "Lando," "Tata Ber" at "Simbulan" sa teritoryo ni Manila Mayor Isko Moreno; "Kits" at "Egay" sa teritoryo ni Pasig City Mayor Vico Sotto; "Carlo," "Oye" at “Edmond” sa teritoryo ni Caloocan City Mayor Along Malapitan; "Toto" sa teritoryo ni Makati City Mayor Nancy Binay; "Haruta, "One"" at "Joy" sa teritoryo ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez; "Mario Bokbok" at "Jody" sa teritoryo ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval.


Kung walang gagawing aksyon ang Marcos admin sa "lotteng syndicate," aba’y ang mga naturang alkalde na ang dapat umaksyon laban sa mga mangraraket na ito, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page