top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

PBA players, naghihintay para sa Gilas team ng FIBA Asia

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 4, 2021
  • 2 min read

Updated: Jan 9, 2021

ni VA - @Sports | January 4, 2021




Hinihintay ng PBA ang pagbibigay ng listahan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ng mga manlalarong nais nilang isama sa Gilas Pilipinas pool para sa darating na third window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers na idaraos sa susunod na buwan sa Clark, Pampanga.


“Wala pa, hinihintay lang namin ‘yun,” pahayag ni PBA commissioner Willie Marcial nang maging panauhin ito sa programang Power and Play ni dating Commissioner Noli Eala noong Sabado. Nauna ng humingi ng tulong ang SBP sa liga para sa nakatakdang pagsabak ng Gilas kontra sa mahigpit nilang karibal na South Korea at sa pinalakas na koponan ng Indonesia ngayong darating na Pebrero.


Walang PBA players na naglaro para sa Gilas noong Nobyembre sa second window dahil nagkataong kasabay ng isinagawang PBA bubble ang idinaos na mga laro sa Bahrain. Inaasahan ng PBA ayon kay Marcial na maagap na pagbibigay sa kanila ng listahan para mapag-usapan na nila ito ng mga mapipiling players. “Kaya nga sabi namin, ibigay kaagad sa amin kung sino mga kailangan para makausap namin yung mga players. Kasi lahat nasa bakasyon eh,”ayon kay Marcial. “At, para makausap din nila. Ano ba plano ng SBP dun sa player na yun, ano ba magiging programa. Kailangan makausap din nila yung players na kukuhanin nila.” Maliban dito, nakaantabay din sila sa magiging pasya ng SBP tungkol naman sa special Gilas round para sa darating na Annual Rookie Draft na gaganapin online sa Marso 14 na nakadepende naman sa mga personalidad na mag-aapply sa draft. “Siguro by January 27 (deadline for draft application), ‘yun na ‘yun, hindi na natin ie-extend. Within a few days, magmi-meeting kami, pag-uusapan namin with the SBP kung may kukuhanin ba sa draft o papano.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page