top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

PBA opening, malapit na; Kiefer, nasa hot SEAT

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 7, 2021
2 min read

ni MC - @Sports | June 07, 2021





Maghihintay umano ang PBA hanggang June 15 para malaman kung magkakaroon ng pagbabago sa quarantine classification para maitakda na kung kailan bubuksan ang PBA 46th Season.


Ayon kay Commissioner Willie Marcial, ibabase nila ang susunod na hakbang ng PBA kapag nadesisyon na ang gobyerno kung babaguhin o pananatilihin ang general community quarantine (GCQ) status na kasalukuyang ipinatutupad sa NCR Plus. "We're just waiting to see what the status will be on June 15," ani Marcial. Kung magdedesisyon umano ang Malacañang na panatiliin ang NCR Plus bubble sa ilalim ng GCQ, target nilang ibalik ang team scrimmages sa Metro Manila.


Umaasa ang PBA na pagkatapos ng June 15 ay makukuha na nila ang approval mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) at masimulan ang season bago matapos ang June o sa simula ng July.


Matatandaang nitong nakaraang araw ay sinabi ni Marcial na target nilang sa Ynares Center sa Antipolo or sa Ynares Sports Arena sa Pasig gawin ang PBA. "I'll write again and present again to the Task Force on June 15," wika ni Marcial. " I don't want to give a specific date. But we're targeting the last week of June or the first week of July."


Sa ngayon, siyam na team ang nag-eensayo sa magkakahiwalay na lokasyon sa probinsiya ng Batangas habang ang TNT at Meralco ay nasa Laoag at NLEX, sa Clark.


Samantala, nilinaw ng PBA na magsisilbing masamang halimbawa sa liga kung papayagan nila si Kiefer Ravena na maglaro sa Japan B-League kahit may kontrata pa sa NLEX Road Warriors.




Nitong June 2, inanunsiyo ng Shiga Lakestars sa social media posts na pumirma na ng deal ang NLEX guard upang maglaro sa team sa ilalim ng Asian Player Quota rule na hindi ikinatuwa ni Marcial dahil may aktibong kontrata pa si Ravena sa NLEX. May tatlong taon sa NLEX at PBA sa ilalim ng Uniform Players’ Contract kaya hindi umano ito pwedeng sumabak sa liga na hindi kinikilala ng PBA.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page