top of page

PBA great Magsanoc, new commissioner ng UAAP

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 7, 2023
  • 1 min read

ni VA @Sports | January 7, 2023



ree

Si Ronnie Magsanoc na ang bagong basketball commissioner ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 85 kapalit ng bagong na-appoint na chairman ng Philippine Sports Commission (PSC)na si Richard “Dickie” Bachmann.

Nagpahayag naman si Bachmann ng kumpiyansa sa kakayahan at karanasan na taglay ng dating PBA star at kasalukuyang assistant coach ng Meralco Bolts sa pagpapatuloy ng naiwang tungkulin sa nalalabing basketball tournaments ng UAAP Season 85.

Miyembro ng Philippine Basketball Association 25 Greatest Players, hindi na bago Kay Magsanoc ang magpatakbo ng basketball events matapos magsilbing commissioner ng UAAP Season 84 3×3 basketball. “Last year, the one who handled the 3×3 was Ronnie Magsanoc,” ani Bachmann. “I did my part and finished the UAAP season.”


Nakatakdang magbukas ang 2nd round ng kompetisyon ngayong buwan sa juniors basketball sa Enero 10 habang ang collegiate at high school 3×3 basketball ay pag-uusapan pa ng board.

Si Bachmann na dating Alaska team manager at governor at sandali ring nanungkulan bilang team manager ng Converge ay may dalawang season term bilang basketball commissioner.

Ngunit naputol ang nasabing termino pagkatapos siyang hirangin ng Pangulong Bongbong Marcos bilang chairman ng PSC.

Opisyal na na-appoint noong Dis. 28 kapalit ni Noli Eala na apat na buwan lamang nanungkulan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page