Asiad: 3rd bronze nakuha ng 'Pinas sa Team Kata

by Gerard Arce @Sports News | September 22, 2026

Photo: Bronze medal ang nasungkit nina Rebecca Torres, Samantha Veguillas at Ysabelle Arrogante sa Asian Games Japan. (pocmedia)
Nagpamalas ng mahusay na estilo, tikas at magandang pagtatanghal ang Philippine Karate women’s Kata team na binubuo nina Rebecca Cyril Torres, Samantha Veguillas at Ysabelle Arrogante upang ibigay sa Pilipinas ang ikatlong tansong medalya kahapon sa Aichi-Nagoya 20th Asian Games sa Toyohashi Gymnasium sa Nagoya, Japan.
Nahigitan ng RP trifecta ang karibal sa Southeast Asian Games na Thailand nina Thailand’s Ramitar Terananon, Monsicha Sakulrattanatara at Phatcharin Plangplai upang makuha ang 4-1 iskor sa bronze medal match para sa kauna-unahang medalya ng bansa sa team kata event sa Asian Games.
Naging maganda ang simula ng Filipina karatekas nang makuha ang malinis na 5-0 panalo laban sa Cambodia karatekas na sina Sreynuch Puthea, Oun Sreyda at That Chhenghorng, subalit yumuko sa powerhouse Iran sa semifinals. “Wala na kami inisip kung sino kalaban.
Basta we claim sa amin ang bronze,” wika ni Arrogante, na nakita ang ipinunlang hirap at pagsisikap ng ilang taong paghihintay para sa medalya. “It has been a long journey. Dami hirap ng mga teammates,” bungad naan ng emosyonal na si Torres.
“Marami losses over the years, pero perform lang, laban lang hanggang dulo.” Nadagdagan pa ang magandang balita para sa koponan matapos opisyal na magkuwalipika ang national karatekas sa Karate World Cupa sa Nobyembre sa Hangzhou.
"Na-inspire kami, kaya itutuloy pa namin ito, yung magandang resulta,” ani Arrogante, na binigyang papuri ang mga nasa likod ng tagumpay na sina head Coach Sonny Montalvo, gayundin ang pagkilala sa namayapang dating Karate Pilipinas president Pocholo Veguillas, at sa anak nito at kasalukuyang pinuno ng karate na si Richard Lim, na tumatayo ring Team Philippines chef de mission.
Kinapos naman sa bronze medal match si SEA Games medalist Alwyn Batican sa men’s under-75kgs laban kay Nurkanat Azhikanov ng Kazakhstan sa 1-10. Matapos makakuha ng dalawang panalo kontra Kuwait at Macau karatekas, natalo naman sa puntusan laban kay Morteza Nemati ng Iran sa 2-8 sa semifinals.





Comments