top of page
Search
  • BULGAR

Payag na umarte uli… GARY V., SI DAYANARA TORRES ANG GUSTONG KASAMA

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 23, 2024




Hindi iiwanan ni Gary Valenciano ang showbiz kaya walang dapat na ipag-alala ang kanyang mga loyal fans and supporters. 


Kung nabanggit man niya dati na nagpapahinga muna siya sa pagko-concert, dahil na rin ‘yun sa kanyang mga iniindang sakit since may Type 1 diabetes siya, then nagkaroon pa ng bypass operation at may kidney cancer din.


Kailangang bantayan niya ang kanyang health condition. Besides, at his age now, hindi na tulad ng dati ang kanyang energy. Hindi na niya magagawa ang mga dance moves na dati niyang ginagawa.


Ang kanyang upcoming concert na Pure Energy: One last Time na gaganapin sa April 26 at 27 ay dinagdagan pa ng dalawang araw dahil sa request ng kanyang mga fans.


Kapipirma lang ni Gary V. ng kontrata sa Star Magic kaya tiyak na magiging busy ang kanyang schedule. 


Isa sa mga gusto niyang balikan at gawin ay ang pag-arte. Well, dati naman na siyang gumawa ng movie katambal ang former beauty queen na si Dayanara Torres, ang Hataw Na. At kung magkakaroon ng part 2 ang Hataw Na, si Dayanara Torres pa rin ang gusto niyang kapareha. 


Isa pa sa mga gustong gawin ni Gary ay ang maging mentor sa mga estudyanteng mahilig sa musika. At balak niyang mag-campus tour at mag-ikot sa iba't ibang kolehiyo at unibersidad upang mag-share ng kaalaman sa mga kabataan.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page