top of page
Search
  • BULGAR

PAULO, UMAMING TINANGGAP ANG SERYE DAHIL KAY KIM

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | March 11, 2024



“What can you share about the most unusual thing you have done for love?” ang tanong kina Paulo Avelino at Kim Chiu sa ginanap na mediacon para sa bago nilang series ng Pinoy version ng K-drama na What’s Wrong with Secretary Kim?.


Nahirapang sumagot ang aktres at nagbirong, “Ang hirap naman? Ano ba ‘yung love?


Nakalimutan ko na, ha, ha, ha!” 


“Ipapaalala mo ba sa akin?” sabay tingin kay Paulo.


Nagkatawanan ang lahat ng nanonood sa mediacon ng serye nina Kim at Pau na ginanap sa Araneta Center Gateway Mall 2 nu’ng Sabado.


“Does it have to be… kahit love for a friend or love for a co-worker?” balik-tanong ni Pau sa host na si Ai dela Cruz.


Sabay sabi ng aktor, “Siguro, ano, itong Secretary Kim. Dahil sa pagmamahal ko bilang katrabaho ka, at sa trabahong ibinigay mo sa Linlang, so pambawi sa ‘yo. So, I’m here at Secretary Kim to give back.”


Hiyawan ang lahat ng supporters ni Kim na present din at siguro, nagulat ang aktres sa sagot ng aktor kaya nasambit niya, “Sobrang funny siya rito, sobrang funny siya rito, hindi na siya si Paulo Avelino.”


Pinutol ni Pau ang sinasabi ni Kim, “Teka lang, pagmamahal ‘yung pinag-uusapan, bakit mo tsine-change topic?”


Sagot kaagad ni Kim, “Siyempre, pinupuri kita.”


Pagtatapat ng aktor, “I think if it was offered to me and if it wasn’t Kim, I would probably have second thoughts.” 


Sundot ng host, “So, because of Kim, go na, wala nang isip-isip?”


“Because of Kim and Sir Deo (Endrinal, former head of Dreamscape Entertainment, RIP).”


Ang sagot naman ni Kim sa tanong na unusual niyang ginawa pagdating sa pagmamahal, “Unusual, marami! Sobrang giving ko talaga na tao, parang ayokong nale-left out or nao-OP (out of place) or something. I always give as long as I can give, kasi wala namang mawawala sa akin kung magbibigay ako, eh. Parang siguro, hindi ko alam, kasi ‘yung sagot niya, nalito tuloy ako, hahahaha!”


Pahayag ni Kim,“Pero unusual na bagay? Siguro, marami ka namang magagawang unusual kapag nagmahal ka. Parang hindi na ‘yun unusual sa ‘yo, parang normal na sa ‘yo ‘yun kapag nandu’n ‘yung love, so hanggang doon na lang muna.”


Sinang-ayunan naman ito ng host na sobrang giving nga raw ni Kim, dahil nasaksihan niya ito at 100% daw kung magbigay ang dalaga sa kanyang minamahal at sa mga taong mahal niya as well.


Samantala, mapapanood na ang What’s Wrong with Secretary Kim simula sa March 18 sa streaming app na Viu handog ng ABS-CBN Studios at Dreamscape Entertainment.


Makakasama ng KimPau sina Janice de Belen, Pepe Herrera, Angeline Quinto, Romnick Sarmenta, Gillian Vicencio, Yves Flores, JC Alcantara, Cai Cortez, ang South Korean actor-singer na si Kim Won-shik at Jake Cuenca mula sa direksiyon ni Chad Vidanes.

 

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page