top of page
Search
  • BULGAR

Paulo, 'di kinaya, aktres pinag-solo… SKYDIVER SA DUBAI, GRABENG YAKAP KAY KIM

ni Julie Bonifacio @Winner | June 14, 2024



Showbiz Photo

      

Ginulat ni Kim Chiu ang kanyang mga followers sa Instagram (IG) sa latest post niya. Ipinost kasi ni Kim ang video ng kanyang pag-skydive sa Dubai.


Nagpunta sa Dubai si Kim kasama si Paulo Avelino para sa promotional tour ng teleserye nila na What’s Wrong with Secretary Kim.


Sa simula ng video ay makikita ang pagsakay ni Kim sa eroplano at pagtalon niya kasama ang isang “experienced skydiver.” 


Sey ni Kim sa video bago siya tumalon, “I’m gonna do a 13,000 ft. jump here in Dubai.”

Another check na naman daw sa bucket list ni Kim ang natupad.


Caption niya sa kanyang IG post kahapon, “‘Coz I can fly. Sky’s the limit!!! Another on my #KIMadvenCHIUre list!!!!”


Nag-post ng comment ang kasama niya sa ‘AngBeKi’ girl group nila nina Angelica Panganiban na si Bela Padilla, “Kim, bakit (laughing emoji).”


Reply ni Kim kay Bela, “Hahhahahaha, YOLO (you only live once) Momsy!!!!”


May netizen na nagtanong kay Kim tungkol kay Paulo, “Kimmy, ba’t ‘di mo isinama si Pau? (laughing emoji).”


Bakit nga ba hindi isinama o sumama kay Kim mag-skydiving sa Dubai si Paulo?


“I heard na may fear po s’ya (Paulo) sa heights,” depensa ng follower ni Kim.


Marami naman ang humanga sa tapang at lakas ng loob ni Kim. 


Sey ng mga netizens:


“S’ya ‘yung babaeng walang inuurungan, s’ya na ang da best. @chinitaprincess Saludo kami sa 'yo (heart emoji).”


“@bela Grabe 'yung BFF mo, sobrang tapang, ‘di ko ma-imagine na magagawa ko ‘yan sa buong buhay ko kahit bayaran pa ako (laughing emoji).”


Comment naman ng elder sister ni Kim na si Lakam, “Wowww!!!!!!! Another #CHIUAdventure unlock booggggsssshhh!!!! Solid @chinitaprincess”


In fairness, ang guwapo ng “experienced skydiver” na kasama ni Kim sa pag-skydiving, haha! Kung makayakap kay Kim, parang dyowa siya ng It’s Showtime host. 


Pero kung liligawan niya si Kim at maging sila, why not? At least, kapareho ni Kim na matapang ‘yung skydiver.


 

Inilabas ng Magandang Buhay host na si Jolina Magdangal ang kanyang saloobin sa tinaguriang Nation’s Girl Group na BINI.


Proud si Momshie Jolens sa BINI dahil sa mga sakripisyo at kasipagan na ginawa nila para mapunta sa kinalalagyan nila ngayon. 


Inilahad ni Jolens sa kanyang Instagram (IG) account kung gaano siya kabilib sa talent at humility ng BINI members.


Ipinost ni Momshie Jolens ang ilan sa mga larawan niya kasama ang BINI nang mag-guest sa Magandang Buhay recently.


Caption niya: “Genuinely proud of this girl group. Bilib na 'ko sa kanila nu’ng nag-uumpisa pa lang sila at nakakuwentuhan namin sa Magandang Buhay, pero mas humanga ako ngayon dahil ang dami nilang achievements and recognitions. 


“Pero higit sa lahat, ang pinaka-admiring sa kanila para sa 'kin ay hanggang ngayon, buo sila at nananatili sila na sila. Walang pagpapanggap at kaarte-arte. Mas lalong ginagalingan kung ano ang ibinigay sa kanila na talento.”


Pinuri rin ni Momshie Jolens ang mga taong bumuo at nasa likod ng tagumpay ng BINI.


In-acknowledge naman ng ilan sa BINI members ang mga papuri sa kanila ni Momshie Jolens gaya nina Jhonna, Maloi at Stacey.


Comment ni Jhoanna,  “Awww, thank you po Momshie Jols.”


“Thank you so much po, our BINI Momshie Jols,” sey naman ni Stacey.


“We love you so much po, Mamshie Jols. Isa po kayo sa pinaka-genuine na tao na nakilala po naming BINI,” saad ni Maloi.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page