top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

PAULEEN, SI JULIA ANG PINAGLILIHIAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 10, 2023
1 min read

Updated: Sep 13, 2023

ni Beth Gelena @Bulgary Files | September 10, 2023



Nag-react si Pauleen Luna sa bagong uploaded na adorable video ni Julia Montes sa kanyang Instagram account.


Nagbahagi kasi ng isang video clip ang aktres sa kanyang IG feed upang ianunsiyo na meron na siyang TikTok account at nilagyan pa niya ito ng caption na: “Surprise!!!”


Litaw na litaw ang kagandahan ni Julia sa nasabing video clip, kaya na-amaze ang mga netizens at ipinahayag ang kanilang paghanga sa aktres.


Isa na nga rito ang misis ni Bossing Vic Sotto na si Pauleen na kasalukuyang ipinagbubuntis ang kanilang second baby. Feeling tuloy namin ay pinaglilihian niya ang rumored long-time girlfriend ni Coco Martin.


Ang iniwan kasi nitong komento sa naturang IG post ni Julia ay “Gandaaaaa.”

Nag-reply din naman si Julia rito at tinawag pa nga niyang “Ate,” si Pauleen.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page