top of page
Vice Ganda sa UAAP 89 - IG.jpg

PATUTSADA NG PARENTS NI CARLOS KAY CHLOE: NEVER MIND HER!

Writer: BULGAR
BULGAR
58 minutes ago
3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | September 16, 2026



BIDA - PATUTSADA NG PARENTS NI CARLOS KAY CHLOE NEVER MIND HER!FB Angelica Poquiz Yulo

Photo: FB Angelica Poquiz Yulo



Tila sagot sa TikTok (TT) video ng mga anak na atletang sina Caloy at Eldrew Yulo at girlfriend ni Caloy na si Chloe San Jose ang reels nina Angelica at Mark Andrew Yulo at dalawa pang kaibigan.


Nagsayaw din ang parents ni Caloy sa reels video, at may caption na: “Dancing in the rain.” 


Pero pasabog ang hashtag nito na “#Nevermindher” na alam ng mga nakabasa sa post ni Angelica kung sino ang tinutukoy.


Enjoy ang mga netizens sa kanilang mga comments at kung para kanino kahit hindi binanggit ni Angelica ang pangalan ni Chloe. 


Binanggit ni Angelica kung bakit siya napasayaw, “‘Yung marami kang benta kaya napasayaw ka. Thank you so much.”


Sa mga comments, ramdam na gusto ng mga netizens na magpatuloy ang parinigan nina Chloe at Angelica. 


Halimbawa, “Mag-red po kayo araw-araw para lumuwa ang mata. Hahaha!” “Mr. & Mrs. Yulo, laban lang,” “Unbothered parents, mabuhay kayo,” “Tama ‘yan, enjoy lang at positive lang sa buhay, stay away from negative people and negative issues,” at “Tama ‘yan, ‘wag nang magpa-interview, makakagulo pa lalo, pabayaan kung ayaw sa inyo, basta happy lang.”


Nagpupustahan ang mga fans, sigurado raw na sasagutin ni Chloe ang pa-shade sa kanya ng mom ni Caloy at ito ang kanilang inaabangan.





Bitin sa kilig… HEART AT JOHN, MAY REUNION PROJECT, FANS, TODO-ABANG



Tuloy ang reunion project nina Heart Evangelista at John Prats, and in fact, nagsimula na silang maghanda. Hindi pa nga lang malinaw kung ano ang reunion project nilang dalawa.


Ang nakita lang sa reels, nasa Smart Araneta Coliseum yata sila at parehong may suot na headset. Tila itinuturo ni John ang kanilang mga gagawin at makikita sa background ang props sa stage. 


Sabi ng mga fans, tila fanmeet ang magaganap at si John pa ang magdidirek.

Sa caption ng Cornerstone Studios na: “Nabitin ba kayo sa kilig? ‘Wag kayong mag-alala, ito na talaga ‘yun,” mas kinilig at mas na-excite ang mga fans. Kung sila lang ang masusunod, gusto nilang mapanood na ang inihandang sorpresa nina Heart at John sa kanilang mga fans.


Coming soon na raw ito, kaya maghanda na ang mga JoHeart fans sa muling pagsasama nina John at Heart.





Tennis player, may homecoming… 

P63K, TIKET SA ALEX EALA LIVE SA PHIL. ARENA



BABALIK sa bansa si Alex Eala sa December 8 but this early, pinaghahandaan na ang kanyang homecoming. 


Ang Tatler Sports ang in-charge sa tinawag nilang Alex Eala Live: Game. Set. Celebrate. happening on the mentioned date at the Philippine Arena in Bulacan.


Hindi lang basta babati si Alex dahil makikipag-tennis match siya sa Indonesian tennis player na si Janice Tjen. 


Magkakaroon din ng star-packed exhibition tampok sina Manny Pacquiao, Anne Curtis, Julia Barretto, Andrea Brillantes, Donny Pangilinan, at Piolo Pascual.

Available na ang tiket, huwag lang kayong magulat dahil ang pinakamahal ay worth P63,705.50 at ang pinakamura ay P618. 


The most expensive ticket ay may kasamang gala dinner. Tanong ng mga fans, gaano kasarap ang gala dinner para sa mahal na tiket?


May fans naman na nag-request na sa halip na mga artista, ang dapat daw isinama sa homecoming event ni Alex ay ang brother niyang si Miko Eala na isa ring tennis player. 


Puwede ring isama ang rising young Pinoy tennis players at kung puwede, imbitahan ang friends ni Alex na tennis players din. 


Binanggit nila si Zeynep Sömez na BFF ni Alex. Kaya lang, kapag nag-imbita ng professional tennis players, mas magmamahal ang tiket. Gusto n’yo ‘yun?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page