top of page
WINNER - 200 EMPLEYADO NG ABS-CBN, TATANGGALIN-ABS CBN.jpg

PATUNG-PATONG NA KASO NG DRIVER VS. RHIAN AT MICHELLE, IBINASURA NG KORTE

Writer: BULGAR
BULGAR
1 day ago
2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | September 15, 2026



Rhian Ramos, Michelle Dee at Sam Panlilio - IG

Photo: Rhian Ramos, Michelle Dee at Sam Panlilio - IG



Ibinasura ng Office of the City Prosecutor ng Makati City kahapon, Setyembre 14, ang mga kasong slight illegal detention, slight physical injuries, maltreatment at unlawful arrest na isinampa laban sa magkaibigang Rhian Ramos at Michelle Dee (MMD), gayundin kay Samantha Panlilio.


Ang dating driver at personal assistant ni Rhian na si Bonifacio Baro, na itinago sa alyas na ‘Totoy’, ang nagsampa ng kaso.


Inakusahan nito ang tatlo ng pambubugbog at pagkulong sa kanya sa isang condominium unit noong Enero ukol sa nawawalang ‘angpao’ na naglalaman diumano ng mga maseselang larawan.


Ikinatuwa naman ng kampo ng magkakaibigang celebrities ang naging desisyon ng korte. Sinabi ng abogado nila na si Atty. Maggie Abraham-Garduque na simula’t sapul pa lang ay wala nang batayan ang mga akusasyon laban sa kanyang mga kliyente.


Samantala, sinilip namin ang Instagram (IG) ni Rhian pagkatapos lumabas ng balitang absuwelto sila ni Michelle. Walang naka-post si Rhian regarding the case. Pero sa kanyang IG Story ay may nakita kami na video, na may kasamang kaibigan ang aktres at sabay silang tumatalon sa kama.


It was posted four minutes ago nang makita namin ang short video kahapon. Obviously, this is the mind reaction na nais ihatid ni Rhian pagkatapos maabsuwelto sa kaso. Meaning, naglulundag sila sa saya sa naging desisyon ng korte.


At habang nagdiriwang ang aktres, lalo siguro itong pursigido na i-pursue ang hiwalay na kaso (qualified theft at perjury) na isinampa nila ni Michelle laban kay alyas Totoy.





IBINAHAGI ng aktres na si Glaiza de Castro ang mga detalye ng kanyang pagdadalantao sa programa ni King of Talk Boy Abunda na Fast Talk kahapon.


Inamin ng aktres na very excited siya sa kanyang pagbubuntis. But at the same time, may mga agam-agam daw siyang nararamdaman.

Kinumusta ni Kuya Boy ang bagong journey niya sa buhay.


“Nandu’n ako sa part na will I be okay? Kasi, bilang first-time mom, ang dami kong kailangang matutunan. Ang dami kong kailangang malaman,” pagtatapat ni Glaiza.


Sabi pa niya, “Uh, even sa sarili ko, especially first trimester, ang daming mga changes na ‘di ko naiintindihan. So, dumating sa point na parang in a way, kinuwestiyon ko ang pagbubuntis. ‘Ganito ba kahirap?’ Kasi ‘di madali ang pinagdaraanan ko everyday.”


Pag-amin pa ni Glaiza, hindi pa raw talaga siya handa sa kanyang pagbubuntis.

“It was not my priority. It wasn’t our priority, actually, to have a baby as soon as possible. (But) Yes, we did (expect it),” tsika pa niya.


And now, naramdaman nila na ready na silang pareho ng kanyang mister na si David Rainey na magka-baby.


Sa kasalukuyan, five months and one week preggy na si Glaiza. Kaya kung bibilangin ang siyam na buwan ng pagbubuntis, malamang na January 2027 isisilang ng aktres ang first baby nila ni David.

Congratulations!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page