Patrick, nega sa pagiging pabayang ama… JENNYLYN AT DENNIS, DUMAMI ANG ENDORSEMENTS

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 14, 2026

Photo: G _mercadojenny
Hanggang ngayon ay hot topic ang ginawang interview ni Ogie Diaz kay Patrick Garcia para linawin ang isyu nito sa ex na aktres na si Jennylyn Mercado dahil naba-bash daw online ang anak na si Michelle.
Dito ay umamin ang aktor na hindi na siya nagbibigay ng sustento sa anak niya kay Jenn na si Alex Jazz. Katwiran ni Patrick, ayaw daw ipakita ng aktres ang anak nila at ayaw din siyang kausapin kaya hinayaan na lang niya.
Marami ang dismayado ngayon dahil sa kanyang pagiging pabayang ama kaya na-bash siya nang husto sa social media.
Nakuha naman ni Jenn ang simpatya ng publiko dahil sa kanyang katatagan bilang single mom. Marami rin ang humanga kay Dennis Trillo dahil sa ginawa nitong pagtatanggol sa kanyang wifey.
Dahil dito, marami ngayong offers na endorsements kina Jenn at Dennis. Patunay lang ito na gusto ng mga Pinoy ang mga underdog at ang mga may matatag na paninindigan.
KIM, BAKASYON-GRANDE SA CANADA, PAULO, SOLONG MAGPO-PROMOTE NG MMFF MOVIE
PASOK sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2026 ang pelikulang A Perfect Marriage na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Paulo Avelino at idinirek ni Dan Villegas. Kaya marami ang nagtatanong kung uuwi na ba ng ‘Pinas si Kim upang mag-promote.
Nasa Canada ngayon si Kim at nagbabakasyon. Sa bahay ng isa niyang kapatid siya nakatira.
Bago umalis, may pahayag umano ang kampo ni Kim na sa March 2027 pa siya babalik.
So, mukhang si Paulo lang ang mag-isang magpo-promote ng kanilang pelikula dahil wala nga si Kim. Mag-isang haharapin ni Paulo ang maraming tanong sa kalat na kalat nang pagbubuntis ngayon ng aktres.
Well, malalaking movies ang kasali sa MMFF 2026. Pinaghahandaan at ginagastusan nang malaki ang promo ng bawat pelikula.
Tiyak na aabangan ng KimPau fans kung paano magpo-promote si Kim kahit wala siya sa bansa.
MAS magiging kaabang-abang ang pagpasok ng Season 2 ng action series na The Master Cutter (TMC) na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes. May mga bagong characters na papasok, tulad ng mga beauty queens na sina Ahtisa Manalo at Herlene Budol.
Abangan na lang kung sila ay magiging kakampi o kalaban ni Atoy.
Well, happy ang ending ng love story nina Atoy at Audrey (Max Collins) dahil natagpuan na nila ang tunay nilang anak na si Ibyang (Sienna Stevens). Pero hindi pa tuluyang natatalo ni Atoy ang kanyang mga kalaban, marami pa siyang haharaping panganib.
Kailangan pa niya ang tulong ng ‘Team Karayom’.
Nananatiling mataas ang ratings ng The Master Cutter kaya nagkaroon pa ito ng Season 2.





Comments