top of page
Gelli de Belen - IG.jpg

Patrick, gets mo? JENNYLYN, NI-LIKE ANG HIRIT NI VICE NA ‘DI SAPAT ANG LOVE LANG KUNG WALANG SUSTENTO

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | October 5, 2026



BULGARY - JENNYLYN, NI-LIKE ANG HIRIT NI VICE NA ‘DI SAPAT ANG LOVE LANG KUNG WALANG SUSTENTO_IG _mercadojenny & _onlypatrickgarcia

Photo: IG _mercadojenny & _onlypatrickgarcia



Hindi man direktang nagsalita, naging kapansin-pansin ang reaksiyon ni Jennylyn Mercado sa isang pahayag ni Vice Ganda sa It’s Showtime (IS) tungkol sa tunay na kahulugan ng pagmamahal sa anak.


Sa isang clip na ibinahagi ng GMA Network sa Instagram (IG), tinalakay ni Vice ang responsibilidad ng mga magulang at binigyang-diin na hindi sapat ang pagmamahal lamang kung hindi ito nasasabayan ng pagkalinga at pagtugon sa pangangailangan ng isang bata.


Aniya, “It’s not all fun and love all the time. Kasi kahit mahal na mahal mo ‘yung bata, kung ‘di mo s’ya napapakain, ‘di mo s’ya napapagamot tuwing may sakit s’ya, ‘di mo s’ya napag-aaral, I don’t think that’s love.


“Love comes with a big responsibility.”

Nang i-share ng GMA Network ang nasabing video sa IG, kabilang si Jennylyn sa mga nag-like sa post.


Dahil dito, napansin ng ilang social media users ang reaksiyon ng aktres, lalo’t trending ngayon ang naging pahayag ni Patrick Garcia na hindi ito nagsusustento sa kanilang anak na si Alex Jazz.





Habang palabas sa mga sinehan ang reunion movie nina Joshua Garcia at Julia Barretto, muling mapapainit ang JoshLia fever ngayong Oktubre sa Cinema One dahil muling ibabalik ang ilan sa mga pelikulang nagpatibay sa tambalan nina Joshua at Julia bilang bahagi ng “Blockbuster Sundays”.


Tuwing Linggo, alas-7 ng gabi, mapapanood ang Love You To The Stars and Back sa Oktubre 4, I Love You, Hater sa Oktubre 11, Vince & Kath & James (VKJ) sa Oktubre 18, at Block Z sa Oktubre 25.


Mula sa unang pagtatambal nila sa VKJ hanggang sa kanilang pinakabagong reunion movie, halos isang dekada nang sinusubaybayan ng mga fans ang chemistry ng JoshLia. 


Ayon mismo sa dalawa, nananatiling natural ang kanilang onscreen chemistry dahil matagal na silang magkakilala at komportable silang magtrabaho nang magkasama.


Hindi rito nagtatapos ang JoshLia comeback dahil nakatakda ring dalhin nina Joshua at Julia ang Always Yours, Never Mine sa international audiences ngayong Oktubre at Nobyembre.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page