Patrick, gets mo?! HIRIT NI AIKO: SUSTENTO, KUSANG IBINIBIGAY, ‘DI NA DAPAT HINIHINGI

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 7, 2026

Photo: Aiko Melendez - IG
Sa isang interview kay Aiko Melendez, nagbigay siya ng opinyon tungkol sa usapin ng sustento.
Bagama’t wala siyang direktang tinutukoy na personalidad, alam na sa buong showbiz na si Patrick Garcia ang kanyang pinatutungkulan dahil sa sinabi ng aktor sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz na hindi na siya nagbibigay ng sustento sa anak nila ni Jennylyn Mercado nu’ng hindi na niya nakikita si Alex Jazz.
Sey ni QC Councilor Aiko, ang suporta ay dapat na ibigay nang kusa at hindi na kailangan na hingin pa.
Katwiran pa ng aktres-konsehala, hindi na kailangang ipaalala pa o hingin ang sustento. Dapat ay kusa itong ibinibigay para sa pangangailangan ng anak.
At marami namang paraan upang ipahatid ang sustento kung gugustuhin ng isang tatay. At hindi na rin dapat ungkatin pa ang nakaraan. Bumawi na lang ngayon si Patrick sa pagkukulang niya sa kanyang anak kay Jennylyn.
Samantala, sa isang post naman ni Aiko sa social media ay binanggit niyang pareho nang annulled ang kasal nila ni Onemig Bondoc. Meaning, puwede na silang magpakasal kung gugustuhin nila.
Tulong daw sa mga kaibigan…
ALDEN, NAGPA-BLOCK SCREENING NG MOVIE NINA JOSHUA, JULIA AT BIANCA
BILANG suporta sa mga kaibigang sina Bianca Umali, Julia Barretto at Joshua Garcia ay nagpa-block screening si Alden Richards para sa pelikulang Always Yours, Never Mine na idinirek ni Cathy Garcia-Sampana.
Sobrang na-appreciate nina Bianca, Julia at Joshua ang ginawang ito ni Alden. Hindi lahat ng artista ay tulad ng Pambansang Bae na gagastos sa block screening ng isang pelikula bilang suporta sa mga kaibigan.
Ang hangarin ni Alden ay makatulong sa mga kapwa artista at sa industriya ng pelikula. Gusto niyang sumiglang muli ang industriya ng pelikulang Pilipino at kumita sa takilya para maganyak ang ibang movie producers na gumawang muli ng pelikula.
Kapag maraming pelikula, marami rin ang mabibigyan ng trabaho. Umaasa si Alden Richards na sisiglang muli ang movie industry kung susuportahan ng mga moviegoers. Kaya, panawagan ni Alden sa lahat ay tangkilikin natin ang mga local movies.
SA gaganaping PMPC 42nd Star Awards for Movies sa Oct. 25, pararangalan at iluluklok sa Hall of Fame sina Batangas Governor Vilma Santos-Recto, National Artist Ricky Lee, at Albert Michael Idioma.
Iginagawad ang Hall of Fame award sa mga artista/movie workers na nagkamit na ng pagkilala at parangal nang mahigit sampung beses sa Star Awards.
At base sa record ng past winners, nakamit na ito nina Gov. Vilma, Ricky at Michael kaya nararapat na silang ma-elevate bilang Hall of Famer.
Ang 42nd Star Awards for Movies ay produced ng singer-producer na si Jojo Mendrez in cooperation with Playtime.
Ang Star Awards for Movies ay gaganapin sa Winford Hotel sa Oct. 25, 2026.





Comments