top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pati brief, ‘di pinatawad! VICE, PINAGHUBAD SI ION KAPALIT NG P10K

  • BULGAR
  • Apr 29, 2021
  • 1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 29, 2021




Sa latest vlog ni Vice Ganda, pinaghubad niya si Ion Perez kapalit ng P10,000!


Naglaro ang celebrity lovers kung saan huhulaan ni Ion kung ano ang mga laman ng tatlong lata.

Kapag tama ang hula ni Ion, bibigyan siya ni Vice ng P10K at kung hindi, kinakailangang isa-isa niyang hubarin ang saplot sa katawan.


Sa unang guess ni Ion ay mali ang sagot nito kaya una niyang inalis ang kanyang pang-itaas.

Pangalawa ay mali pa rin ang answer ng former Kuya Escort ng It’s Showtime kaya shorts niya ang hinubad.


Sa ikatlong pagkakataon, mali na naman ang hula ni Ion kaya naman hinubad niya ang kanyang underwear, pero agad nitong tinakpan ang kanyang ‘hinaharap’ ng isang damit.


Nagsuspetsa si Ion na niloloko siya ng kanyang partner at pinagkakatuwaan.


Magagandang komento naman ang natanggap nina Vice at Ion sa kanilang bagong vlog sa YouTube. Napaka-adorable raw ng samahan ng magdyowa.

1 Comment


juan rivera
juan rivera
Apr 30, 2021

bakit kayo nagbabalita ng ganitong mga news tungkol sa kabaklaan ni VG? KADIRI!

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page