top of page
SHEET - BERNADETTE, NAG-MRT DAHIL SA BAHA, CR PURING-PURI, BINARA NG NETIZEN_IG _iambernad

Patay sa bagyo, habagat, 26 na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 hours ago
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | August 19, 2026



Search and rescue sa habagat - PNP

Photo: Search and rescue - PNP



Umabot na sa 26 ang nasawi habang 17 ang sugatan at isa ang nawawala dahil sa pinagsamang epekto ng mga bagyong Luis at Maymay at ng Southwest Monsoon o Habagat, ayon sa pinakahuling datos na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Martes.


Ayon sa NDRRMC, pinakamarami ang nasawi sa Benguet na umabot sa 15, kabilang ang 10 sa Baguio City, tatlo sa Atok at dalawa sa La Trinidad. Karamihan sa mga insidente ay dulot ng landslide.


Samantala, isa pa ang nawawala sa Batangas City.

Tinatayang umabot naman sa P3.1 bilyon ang pinsala sa imprastraktura at P1.42 bilyon sa sektor ng agrikultura.


Samantala, nasa P760.1 milyon na ang kabuuang halaga ng tulong na naipamahagi sa mga apektadong pamilya at komunidad.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page