top of page
Search
  • BULGAR

Pasabog sa Bagong Taon... SANDARA, NAG-TWO-PIECE BIKINI SA BOHOL

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | January 3, 2023



Sa pagpasok ng taong 2023 ay ginulat ng K-pop idol na si Sandara Park ang kanyang mga fans sa kanyang pasabog.


Nag-post lang naman ang Star Circle Quest alumna sa kanyang Instagram ng mga larawan niya wearing a two-piece bikini na parang ngayon lang niya ginawa. Take note kasi na mahigpit ang mga talent agencies sa South Korea at hindi nila basta-basta ina-allow ang ganitong post especially kung idol ka.


In fairness, ang flawless ni Sandara kahit pa nga nakatalikod siya sa camera sa kanyang mga shots.


Simpleng caption niya, “Happy New Year,” at naka-indicate na nasa Bohol siya.


Umani nang katakut-takot na likes and comments ang post at pinuri ang kanyang pagka-hot.


Needless to say, na-appreciate ng mga fans ang pasabog ni Sandara at natutuwa sila na may confidence na ito to show her body.


Pero ang mas kapansin-pansin sa comment section ay ang komento ng kapwa niya Star Circle Quest graduate and friend na si Joross Gamboa.


“Hayyy…. ‘Di na kita mapipigilan. Malaki ka na… 2023 na…” komento ni Joross.


‘Kaaliw naman ang naging sagot ni Sandara.


@joross_gamboa Oo tama ‘yan!!! ‘Di na ‘ko 19 yrs. old na hinatid-sundo mo and pakain sa Gerry’s Grill!!! Hahaha! Totoong childhood friends nga tayo ‘noh?! Hay, ang bilis ng panahon but we remain as good friends!!! Happy New Year, Chuross!!!” sagot ni Sandara na in fairness ay hindi pa rin talaga nakakalimutan ang Filipino language.


Wish ng kanyang mga fans ay more of this pa and at the same time ay mapanood na rin daw sana nila ang dating miyembro ng 2NE1 in a more mature role sa K-drama.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page