top of page
Search

Pasabog para sa 30th b-day… JULIE ANNE, MAGPAPA-SEXY NA

BULGAR

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 31, 2024



Showbiz Photo
File photo: Julie Anne San Jose / IG

May malaki raw pasabog na magaganap sa buhay ng Limitless Star na si Julie Anne San Jose ngayong 30 years old na siya. 


Kasabay ng kanyang 30th birthday celebration ang isang sexy pictorial ni Julie, na tiyak na ikagugulat at magugustuhan ng kanyang mga loyal fans. 


Julie Anne San Jose

Maraming pagbabagong gagawin si Julie Anne sa kanyang sarili para sa pagle-level-up ng kanyang pagiging artista. 


Sa ngayon ay pinaghahandaan ng singer-actress ang pagho-host ng The Clash sa bago nitong season. 


Pero bago ito ay may mga shows siya sa USA at Japan kasama ang ilang Sparkle stars. 


Hasang-hasa na rin si Julie Anne sa hosting bukod sa acting at singing. Pursigido siyang mag-excel sa pagkanta at ganoon din sa pag-arte.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page