top of page
Search
BULGAR

Parusa sa pangungutya at pangagaya sa PWD

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | July 20, 2024


Magtanong kay Attorney ni Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Isa akong empleyado sa isang paliparan. Kamakailan lamang ay may nakita akong isang pasahero na nangungutya sa kanyang kapwa pasahero na isang may kapansanan. Ginaya niya ang paglakad nito bago biglang tumawa kasama ng kanyang mga kaibigan. Napahiya tuloy ang pasaherong may kapansanan na yumuko na lamang at dali-daling lumakad papalayo. Hindi ba mali ang ginawa ng taong ito? Nais ko sanang maliwanagan sa paksang ito. Salamat sa inyo.  -- Amy


 

Dear Amy,


Ang mga taong may kapansanan o persons with disability (PWD) ay mahalagang bahagi ng ating lipunan. Kaya naman, ang ating Estado ay nagbibigay ng buong suporta sa pagpapabuti ng kanilang kalagayan at pagtataguyod ng paggalang sa kanilang mga karapatang pantao. Sinisikap din ng ating gobyerno na alisin ang anumang hadlang na nakapipinsala sa mga taong may kapansanan.


Ayon sa Sections 39 at 40, Chapter I ng Republic Act (R.A.) No. 7277 o “Magna Carta for Persons with Disabilities”, na inamyendahan ng R.A. No. 9442:


SEC. 39. Public Ridicule. – For purposes of this chapter, public ridicule shall be defined as an act of making fun or contemptuous imitating or making mockery of persons with disability whether in writing, or in words, or in action due to their impairment/s.


SEC. 40. No individual, group or community shall execute any of these acts of ridicule against persons with disability in any time and place which could intimidate or result in loss of self-esteem of the latter.”


Samakatuwid, ipinagbabawal ng ating batas ang pangungutya at panunuya sa mga taong may kapansanan, sa sulat, salita, o kilos man. Walang sinumang indibidwal, grupo, o komunidad ang maaaring magsagawa ng anumang gawain laban sa mga taong may kapansanan, sa anumang oras o lugar, na maaaring magresulta sa pagkawala ng kumpiyansa ng huli.


Nasasaad din sa Section 7, Chapter 1, Rule V ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng parehong batas na:


“Section 7. Chapter 1. Deliverance from Public Ridicule For purposes of this Chapter, public ridicule shall be defined as an act of making fun or contemptuous imitating or making mockery of persons with disability whether in writing, or in words, or in action due to their impairment/s. The following constitutes acts of public ridicule:


Making fun of a person on account of his/her disability even through jokes in a manner that is degrading resulting to the embarrassment of the person with disability in front of two or more persons;

xxx

No individual, group or community shall execute any of these acts of ridicule against persons with disability in any time and place which could intimidate or result in loss of self-esteem of the latter.”


Upang sagutin ang iyong katanungan, ang pangungutya ng nasabing pasahero sa kapwa niyang pasaherong may kapansanan, sa pamamagitan ng paggaya sa paglalakad, at kasunod na pagtatawanan, na nagdudulot ng pagkawala ng kumpiyansa ng nasabing pasaherong may kapansanan, ay labag sa batas at siya ay maaaring sampahan ng kaukulang kaso para rito.


Kaugnay nito, ang sinumang lumabag sa mga probisyon ng batas na nakasaad sa itaas ay maaaring managot at maparusahan ng multa at/o pagkakulong. Ayon sa Section 46(a), Chapter 2 ng parehong batas:


SEC. 46. Penal Clause. – (a) Any person who violates any provision of this Act shall suffer the following penalties:


(1) For the first violation, a fine of not less than Fifty Thousand pesos (P50,000.00) but not exceeding One hundred thousand pesos (P100,000.00) or imprisonment of not less than six months but not more than two years, or both at the discretion of the court; and


(2) For any subsequent violation, a fine of not less than One hundred thousand pesos (P100,000.00) but not exceeding Two hundred thousand pesos (P200,000.00) or imprisonment for not less than two years but not more than six years, or both at the discretion of the court.”


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page