Parusa sa mangungutya, mamamahiya at magsasalita ng masama sa PWD
- BULGAR
- Jun 24, 2023
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | June 24, 2023
Dear Chief Acosta,
Mayroon bang partikular na batas na nakakasaklaw at nagpapataw ng kaparusahan sa sino man na mapapatunayan na nagsasalita nang hindi maganda sa isang taong may kapansanan? - Richard
Dear Richard,
Ang sagot sa iyong katanungan ay oo. Para sa iyong kaalaman, ang Republic Act Number 7277, na inamyendahan ng Republic Act Number 9442, o mas kilala sa tawag na “Magna Carta for Disabled Persons,” ang batas na espisipikong sumasaklaw sa mga taong may kapansanan. Kaugnay nito, nakasaad sa nasabing batas ang mga sumusunod:
“SEC. 39. Public Ridicule. – For purposes of this chapter, public ridicule shall be defined as an act of making fun or contemptuous imitating or making mockery of persons with disability whether in writing, or in words, or in action due to their impairment/s.
SEC. 40. No individual, group or community shall execute any of these acts of ridicule against persons with disability in any time and place which could intimidate or result in loss of self-esteem of the latter.
SEC 41. Vilification. – For purposes of this Chapter, vilification shall be defined as:
a. The utterance of slanderous and abusive statements against a person with disability; and/or
b. An activity in public which incites hatred towards, serious contempt for, or severe ridicule of persons with disability.
SEC. 42. Any individual, group or community is hereby prohibited from vilifying any person with disability which could result into loss of self-esteem of the latter.”
Alinsunod sa mga nabanggit na probisyon ng batas, malinaw na ipinagbabawal at pinaparusahan ng batas ang public ridicule o pamamahiya sa pampublikong lugar, at ang vilification o masasakit/mapanirang puring mga pananalita sa isang taong may kapansanan o persons with disability. Hinggil pa rin sa nabanggit, sakop din sa depinisyon ng vilification – na ipinagbabawal at pinaparusahan -- ang ano mang aktibidad sa isang pampublikong lugar na nag-uudyok ng pagkamuhi sa, seryosong paghamak, o matinding pangungutya sa mga taong may kapansanan.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.








Comments