top of page

Karapatan laban sa mga kontratang labag sa batas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 7 minutes ago
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | January 25, 2026



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Nakasaad sa Article 1409 ng ating New Civil Code ang mga sumusunod:


“Art. 1409. The following contracts are inexistent and void from the beginning:


  1. Those whose cause, object or purpose is contrary to law, morals, good customs, public order or public policy;


  1. Those which are absolutely simulated or fictitious;

  2. Those whose cause or object did not exist at the time of the transaction;

  3. Those whose object is outside the commerce of men;

  4. Those which contemplate an impossible service;

  5. Those where the intention of the parties relative to the principal object of the contract cannot be ascertained;

  6. Those expressly prohibited or declared void by law.


These contracts cannot be ratified. Neither can the right to set up the defense of illegality be waived.”


Ayon sa nabanggit na probisyon ng batas, ang mga kontratang ito ay hindi kailanman magiging balido kaya hindi ito maaaring bigyan ng epekto ng kahit na sinuman sa panig ng mga partidong nagsagawa nito. Sa mga ganitong uri ng kontrata, kung saan ang paksa ng nasabing kasunduan ay itinuturing na labag sa batas at ang parehong panig ay may pagkakamali, sila ay hindi maaaring humiling laban sa isa’t isa na maisagawa ang mga obligasyong nakasaad sa kasunduan. Hindi rin maaaring hilingin ng kahit sino sa magkabilang partido na maisagawa ang napagkasunduan. 


Kapag isa lang sa mga partido ang may pagkakamali, hindi maaaring bawiin ng nasabing partido ang kanya nang naibigay nang dahil sa nasabing kontrata. Samantala, ang partidong walang pagkakasala ay maaaring hilingin na maibalik sa kanya ang bagay na naibigay na niya.


Kapag ang kawalan ng bisa ng isang kontrata ay sa kadahilanang hindi legal ang paksa nito at magbubunga ito sa isang kasong kriminal, ang parehas na partido na may kasalanan ay hindi maaaring makapagsampa ng kaso laban sa isa’t isa. Kapag isa lang sa mga partido ang may kasalanan, ang inosenteng partido ay maaaring bawiin ang kanya nang naibigay at hindi niya kinakailangang gawin pa ang kanyang ipinangako sa kasunduan.


Maaaring ipawalang-bisa ang kontrata na hindi legal sa anumang oras na gustuhin ng mga partido sa dahilang ang kontrata ay itinuturing na hindi legal ng batas. Ang karapatang magpawalang-bisa ay hindi kailanman sakop ng probisyon ng batas na may kinalaman sa prescription of an action.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page