top of page

Curlee at Sarah Discaya, pa-victim sa sariling kasalanan!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 7 minutes ago
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | January 25, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


PAREHO ANG KAPALARAN NINA FPRRD AT EX-SEN. REVILLA, PAREHO NILANG SINUPORTAHAN ANG KANDIDATURA NI BBM, AT NANG MAGING PANGULO, PAREHO SILANG IPINAKULONG – Pareho ang sinapit nina dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at dating Senador Bong Revilla. Kapwa sila sumuporta sa kandidatura ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ngunit matapos maupo sa puwesto ang pangulo, kapwa rin sila nauwi sa pagkakapiit. Ang dating pangulo ay nasa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng kasong crimes against humanity, habang ang dating senador naman ay nakakulong sa Quezon City Jail dahil sa kasong malversation of public funds through falsification of public documents. Saklap! 


XXX


HINDI DAPAT MAKIPAGNEGOSASYON ANG MAGKAPATID NA REMULLA KAY ZALDY CO, ANG DAPAT NILANG GAWIN AY DUMISKARTE PARA MATIKLO ITO SA IBANG BANSA AT MAKULONG SA CITY JAIL – Inanunsyo ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na may mga nagpaabot umano sa kanya at sa kanyang kapatid na si Ombudsman Boying Remulla ng feelers na nais makipagnegosasyon sa kanila ang wanted na si dating Ako Bicol partylist Representative Zaldy Co. Si Co ay nahaharap sa mga kasong plunder, malversation of public funds through falsification of public documents, bribery, at graft.


Hindi dapat tanggapin ng magkapatid na Remulla ang anumang hirit ng negosasyon mula kay Zaldy Co, sapagkat isa itong puganteng pinaghahanap ng batas. Sa halip, nararapat na ituon ang kanilang lakas at kapangyarihan sa pagbalangkas ng malinaw at konkretong hakbang upang maaresto si Co, saan man siya naroroon sa ibang bansa, at maiharap sa hustisya sa Pilipinas.

Iyan ang dapat manaig—hindi ang pakikipag-usap, kundi ang pagpapatupad ng batas.


XXX


SINO KINA SEN. JINGGOY AT SEN. JOEL UNANG MAKAKASAMA NI EX-SEN. REVILLA SA CITY JAIL? – Inanunsyo ng Department of Justice (DOJ) na sa susunod na linggo ay posibleng isumite na sa Ombudsman at sa korte ang mga kasong non-bailable na malversation of public funds, falsification of public documents, at graft laban kina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Joel Villanueva.


Kaya't ang tanong: Sino kaya sa kanila ang unang makakasama ni ex-Sen. Revilla sa city jail? Abangan!


XXX


FEELING PA-VICTIM SI CURLEE DISCAYA GAYUNG SIYA AT ANG MISIS NIYA ANG NAMBIKTIMA SA TAUMBAYAN SA PAMAMAGITAN NANG PAGNANAKAW SA KABAN NG BAYAN – Hanggang ngayon, pinupuna si contractor Curlee Discaya dahil sa kanyang pahayag sa Senate Blue Ribbon Committee na pakiramdam daw niya ay nais silang nakawan. Ayon sa kanya, ang hinihinging restitution ng DOJ para mapasok siya at ang misis niyang si Sarah Discaya sa witness protection program ay parang modernong pagnanakaw.


Marami ang nagtuturo sa kanya dahil tila pa-victim ang tono ng kanyang pahayag, samantalang ang katotohanan ay silang mag-asawa ang nambiktima sa mamamayan sa pamamagitan ng pagnanakaw ng bilyon-bilyong piso mula sa kaban ng bayan. Period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page