PARTYLIST NI NORA, 'DI PUMASA SA COMELEC
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 07 , 2021

Labis na ikinalulungkot ng mga diehard Noranians ang pagkakadenay ng COMELEC sa NORA A Partylist (National Organization for Responsive Advocacies for the Arts).
Mahigit 107 partylists ang na-disqualify at hindi pinayagan sa 2022 elections. Mahina raw ang partylist ng Superstar at hindi malinaw kung ano ang advocacy ng kanilang grupo. Dapat daw ay 'yung nagre-represent ng marginalized group.
Ang tanong, mag-aapela kaya ang NORA A Partylist para mabigyan ng motion for reconsideration?
Well, may mga nagsasabi naman na dapat daw ay may magagaling na political advisers si La Aunor na magpapayo sa kanya kung ano ang nararapat na partylist na babagay sa kanya na i-represent para mas solido ang kanyang advocacy na gustong ipaglaban.





Comments