Partner, binanatan daw si BBM… GRETCHEN, TODO-TANGGOL KAY ATONG ANG
- BULGAR
- Dec 29, 2021
- 1 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | December 29, 2021

Pinabulaanan ni Gretchen Barretto na may sinabi ang kanyang kaibigan at business partner na si Charlie "Atong" Ang laban sa presidentiable na si Bongbong Marcos.
May tatak na ‘fake news’ ang piktyur ni Atong at statement daw nito na mas may tsansa pa raw na gumanda ang buhay ng mga Pinoy kung tataya sa online sabong kesa kay Bongbong.
Caption ni La Greta sa IG post niya, “FAKE NEWS! HINDI NAKIKIALAM SA POLITICS SI MR. CHARLIE ATONG ANG. ITO AY GAWAIN NG AMING KALABAN SA NEGOSYO. To my friends, kindly REPOST THIS."
Pinagpiyestahan siyempre pa ng mga netizens ang IG post ni La Greta.
“Uyyyy concern! Eme hahahahahhahaha.”
“Eeeewwww talaga 'to. Ka-cheap-an.”
“Ang class talaga ni Madam Greta.”
Ang ibang netizens naman, nagtataka pa kung bakit ipinagtatanggol ni La Greta si Atong.
“So, bakit siya nagpo-post n'yan? Haha!”
“Pathetic Greta, doing anything para magkaingay, as usual.”
“Kailangan talaga siya ang magsalita for Atong?? Kelan pa siya naging spokesperson ni Atong?”
May nag-comment din na nagpapaalaala na hindi mabuti ang pagsusugal.
“Hindi tama 'yang sugal in my opinion. Daming nalululong d'yan. Nakakasira ng buhay 'yang ganyang hanapbuhay.”
So there.
Comments