top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Parks, hindi naman ban sa PBA

  • BULGAR
  • Mar 25, 2021
  • 2 min read

ni MC - @Sports | March 25, 2021




Itinanggi ni PBA commissioner Willie Marcial ang balitang hindi na puwedeng maglaro sa PBA si Bobby Ray Parks Jr. matapos ang kontrobersyal na desisyon nitong lumiban sa paglalaro ngayon season.


Naglaro si Parks para sa TnT Tropang GIGA sa 2020 PBA Philippine Cup at naging kandidato bilang Best Player of the Conference, ngunit nagdesisyon ito na hindi muna pumirma ng kontrata sa TnT at hindi maglaro sa susunod na season na ikinagulat ng kanyang mother team.

Ikinagalit ni TnT team owner Manny V. Pangilinan at team governor Ricky Vargas ang naging rason ni Parks sa kanyang hindi paglalaro. Ayon sa manlalaro, ginagawa niya ito para sa kanyang pamilya pero duda at hindi ito kinagat ng opisyal ng TnT.


Ganunpaman, nilinaw ni Marcial na walang katotohanan ang tsismis na umiikot sa social media na bawal nang maglaro si Parks sa PBA. “Wala. Hindi naman namin napag-uusapan sa board meeting ‘yan,” wika ni Marcial.


Pero, isiniwalat ni Marcial na hindi niya mapipigilan ang league’s Board of Governors na magkaroon ng “gentleman’s agreement” o anupaman kaugnay kay Parks.“‘Yung Board of Governors natin, dikit silang lahat,” ayon sa commissioner.


Matatandaang hinamon ni TnT team governor Ricky Vargas si Parks na lumipat ng ibang team at tignan umano kung tatanggapin siya. “I’m sure no team will be interested in him, considering the way he conducts himself,” ani Vargas.


Matapos ang desisyon ni Parks na hindi maglaro, sinabi ni Vargas na kinontak niya ang manlalaro pero hindi umano ito nagre-reply. Nilinaw ng team governor na may kontrata sila na nakahanda para kay Parks na pumirma ng one-year deal sa team noong isang taon. “Nakalulungkot lang, kasi you know, he’s such a very high potential player,” ani Vargas. “(But) if he wants to be a real winner, he has to look at himself very carefully.” Nanatiling tahimik si Parks simula nang gawin niya ang anunsiyo noong March 6.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page