top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Parks at Santiago nanalo, sa Japan B. league at V-League

BULGAR
Oct 18, 2021
2 min read

ni MC - @Sports | October 18, 2021





Tila maganda ang chemistry ng laro ni Ray Parks habang nangangapa pa sa kanyang team si Dwight Ramos sa patuloy na paglalaro ng dalawa na magkalaban kahapon bilang Pinoy imports sa Japan B.League.


Pinalakas ni Parks ang Nagoya para sa ikatlong panalo ng team, 99-74 at talunin ang Toyama ni Ramos sa liga na idinaraos sa Toyama City Gymnasium. Ipinakita ni Parks, ang three-time ASEAN Basketball League MVP ang kanyang best game suot ang Diamond Dolphins uniform nang kumamada ito ng game-high 17,seven rebounds, four steals, at two assists.

Sa kabilang banda simula ng kanyang laro sa season, si Ramos ay nakagawa lang ng nine points mula sa 4-of-12 shooting na may four rebounds at three assists at four turnovers. Ito ang ikalawang diretsong panalo ng Diamond Dolphins ni Parks para sa record na 3-3 habang pinabagsak ang Grouses sa 0-6.


Haharapin ni Parks ng Nagoya ang team ni Kiefer Ravena ng Shiga sa susunod na weekend sa Park Arena Komaki. Makakasagupa naman ni Ramos ng Toyama ang powerhouse team Ryukyu sa susunod na Linggo sa Toyama Seibutai Sports Center.


Sa iba pang resulta ng laro, hindi nakaporma si Thirdy Ravena ng San-En laban sa bagsik ng Hiroshima, 72-84 para sa ikatlong Linggo nilang kampanya pero nabigo sa larong idinaos sa Hiroshima Sun Plaza Hall. Nakagawa lang si Ravena ng 12 points at dinanas ng San-En ang ikalawang straight loss, 2-4 sa torneo. Sunod na haharapin ng San-En ang Ibaraki sa Kamisu Disaster Prevention Arena.


Samantala, pinatunayan ni Jaja Santiago na mapapakinabangan siya ng husto ng Saitama nang umalagwa sila sa five-set thriller para sa magandang simula na panalo sa 2021-22 Japan V.League Division 1 women’s tournament campaign noong Sabado.

Kinumpleto ng Ageo Medics ang pagbabalik laban sa squad Okayama, 28-30, 26-24, 23-25, 25-13, 15-11 na idinaraos ang laro sa Kasaoka Gymnasium. Walang inaksayang sandali si Santiago sa buong laban, tumapos ng 17 puntos kabilang na ang 4 block kills at umatake ng 29 na attacking attempts.


Nakipaghilahan pa ng set sa dulo ang Ageo Medics para ilagay sa 25-13 tungo sa deciding 5th frame at pakabahin na ang kalaban.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page